Ero. POV.
Nakakatamad simulan ang umagang ito.
Hindi ko alam kung bakit laging ganito. sa t'wing napapanaginipan ko ang nakaraan na kasama siya parang naiinis akong magising.
Parang gusto ko na lang manatiling nasa piling niya, nakakulong sa nakaraan at 'di na magigising pa, pero hindi iyon ang reyalidad.
Napahinga ako ng malalim nang mapansin kong nagtitinginan ang mga taong nadadaanan ko, dahil siguro sa nakasimangot kong mukha o sa gulo gulo kong buhok. Walang kasing suklay sa bahay at baka ma-late pa ako, kung susubukan ko pang tumingin sa salamin at mag-ayos.
"Hoy! Ijho. Halika nga dito at aayusin ko ang buhok mo." Nagulat naman ako sa biglang pagharang ng tatlong matatandang babae, nang mapadaan ako sa tapat ng simbahan kung saan may malakas na musika dahil sa mga nagsu-sumba.
"Ay! Naku po. Hindi na po. male-late na po ako sa trabaho... Sige po, salamat na lang po. " Mabilis kong tanggi kasabay ng mabilis kong pag-iwas na animo'y isang ninja na kailangan umilag sa mga daliri nilang nilawayan para maayos ang gulo-gulo kong buhok.
"D'yos ko po! Sana wala silang ibang mabiktima." Bulong ko habang dali-daling inaayos ang buhok. Binilisan ko na din ang paglalakad, mahirap na masundan pa nila ako.
Napasakay na ko sa jeep na naka-abang sa mga pasaherong tulad ko at napapwesto sa likuran ng driver. At heto, naging part time job ko na naman ang pag-aabot ng bayad.
"Ma. Bayad po." —abot ng bayad, bigay sa driver— "Isa lang po yung bente, ISTUDYANTE." —kuwa ng sukli, bigay sa istudyante. Natawa akong bahagya sa pagkasabi niya ng istudyante, parang sinisugurado maibabalik ang tamang sukli sa kaniya.
Ganun din siguro ang iniisip ng ibang pasahero dahil napatingin kami sa kaniya, maliban sa isa.
Napadako ang tingin ko sa isang babae sa dulo ng jeep, nakamasid sa labas at nakikinig sa ano mang musikang nilalabas ng kaniyang puting headset.
Ang ganda niyang pagmasdan, kahit na side view palang ang nakikita ko. Lalo na nung nilipad ng hangin ang kaniyang buhok at tumama sa katabi nito. Parang slow-motion ang lahat, hanggang sa...
"Miss. Yung buhok mo. Parang galamay ng ipis. Ang kati! " Reklamo ng katabi niya, habang pakamot kamot sa mukha at leeg nito.
"Ay. Sorry po. " Paghihingi naman niya ng paumanhin atsaka kinuwa ang tali sa kaniya pulsuhan at itinali ang buhok sa mababang bahagi ng kaniyang leeg at inilagay ang ilang hibla sa likod ng kaniyang tenga.
Napaka-graceful niyang gumalaw. Ang gandang pagmasdan ng paulit-ulit.
"Kuya. Nakanga-nga ka. " Sabi ng katabi kong bata, na nagpabalik sa aking ulirat. Agad kong ring tinikom ang aking bibig at ibinaling ang tingin sa dinadaanan ng jeep. Nakakahiya.
Buti na lang din at nagsalita 'yong batang katabi ko, kung 'di lumagpas na ako sa babaan. Inihanda ko na ang gamit ko't tsetsempo na nang magsabi ng 'para' sa babaan.
"Manong. Sa tabi lang!"
Naunahan akong mag para nung babaeng nasa dulo ng jeep. At saktong napatingin siya sa'kin. Bakit?
Bakit mukhang pamilyar? Napatigil ako sa pag-iisip sa kung sino man ang kamukha ng babaeng iyon, at susundan na sana nang magsalita ang tsuper ng jeep.
"Uy boy. Bayad mo? " Sabi niya na nakatingin sa replekyon ko sa pahabang salamin. Saglit akong napa-isip sa sinabi niya. Talaga?
"Ay!! Oo nga po pala!! " Oo nga pala nasa bulsa ko padin yung pamasahe ko. Ano ba namang umagang 'to. Nakakahiya.
YOU ARE READING
When The Fate Interfere
Lãng mạnThis is about people who will get tangled to what is called fate. One will run from the past and the other one will stay to remind what they have in the past. But the fate have the other plan for them, so fate includes other string to make their lif...