Chapter Four: A bloody birthday end. (Part 1)

4 0 0
                                    

Aera's P.O.V


6:30 PM na at 7:00 PM ang start ng party at ang masasabi ko lang ay wala na kong debut party, dahil ngayon palang ay parang ibinuhos na nila mommy ang lahat ng effort nila, para sa kaarawan kong ito.


"Anak. Ready ka na ba?" Tanong ni Mommy na kakapasok lang sa kwarto ko. Nakita ko siyang lumapit sakin mula sa full-length mirror at mula d'on ay may pinasuot siya saking kwintas.


"Ayan! Bagay na bagay sa white gown mo." Masigla niyang puri saking mukang pangkasal na gown, kulang na lang talaga ang belo at bouquet. 


"Mom. Bagay nga po." Plastik kong pagsang-ayon na sana hindi mahalata ang pagkadismaya ko sa kaarawang ito.


Pero nang masiyasat kong mabuti ang kwintas, parang pamilyar. Lalo na yung pendant, Twisted Rope Bow Ribbon na maliit lang pero napaka elegante sa pagkaka-silver nito na bumagay sa gown.


"Ingatan mo 'yan. Dahil madami nang napagdaanan ang kwintas na 'yan" Sabi niya habang nakangite na pawang inaalala niya ang istorya sa likod ng kwintas na suot suot ko.


"Saan po 'to galing?" Curious kong tanong.


"Mahabang istorya. Next time na lang, at magaala-syete na. Kailangan mo nang maghanda." Sabi niya na may halong lungkot sa dulo atsaka nagtungo sa pinto para lumabas.


"Mom." Tawag ko, bago siya lumabas. At lumingon naman siya sakin na may pagtatanong sa mukha. "I always love you."


"I know." Nakita ko kung paano humigpit ang hawak niya sa pinto. "And I'm proud to have you."


Parang may sakit sa bawat salitang binibigkas niya. Tuluyan na kayang napapayag siya sa plano ni Don Lucas?


Napatingin ako sa may salamin. At nagtanong sa repleksyon ko. "Heh. Happy ka ba sa birthday mo?"


"You should be." Nagulat naman ako sa pagsulpot ng lalaki sa may pintuan. Kanina pa ba siya diyan? 'Di ko man lang narinig ang pagbukas ng pinto.


"Sino ka para pumasok sa kwarto ko?" Mataray kong tanong.


"Kapatid ng future husband kuno mo." Sabi niya at lumapit sakin para sa isang handshake. "I'm Andrew Oromozo."


"'Di ako nakikipag handshake." Pagmamaldita ko.


"Ow. Then, fist bomb?" Mungkahi niya at ini-angat ang kamao para sa isang fist bomb, kaya wala akong nagawa kundi makipag-fist bomb.


"So...., Ano?" Tanong ko sa ano mang pakay niya.


"My brother don't like you." Sabi niya sa maswabeng paraan.


"Sa tingin mo, gusto ko siya?" Inis kong pahayag. "At 'di ko nga alam kung sino siya."

When The Fate InterfereWhere stories live. Discover now