Chapter two.

11 0 0
                                    

Aera's P.O.V

I wonder if heaven was mad at me.

Para kasing ayaw nila akong maging masaya.

Naalala ko ang unang araw na nagalit ako sa langit, at sa lalaking taga riles.

Sa lalaking ginawang panangga ang sarili, 'di lang ako masaktan mula sa pagsabog kanina.

Naalala ko dati, tanghaling tapat n'on. Tirik ang araw at ang hangin ay hindi sapat para matuyo ang mga pawis na tumatagaktak dahil sa pagtakbo ko.

Hinahabol ko ang isang disesyeteng binata na nagtutulak sa isang troley at ang tirik ng araw ay balewala lang sa kaniya Dahil ito rin ang isa sa mga pinangkukuwanan niya ng pangtustos sa araw araw na pangangailangan.

"Kuya Ero!" Tawag ko sa batang tulak tulak ang isang troley at kasama ang mga pasaherong nakasakay dito. Binilisan ko ang pagtakbo para makahabol sa kaniya.

"Oh! Aera, sumabay ka na." Utos niya, at itinigil ang pagtutulak para sakin, kahit may naiinis na pasahero nito, dahil sa init na rin.

"Wohh! Buti... Naka-abot ako.." Sabi ko ng maka-upo ako sa bakanteng upuan. "Kuya Ero." Tawag ko habang hinihingal pa.

"Oh? Bakit?" Tanong niya, kasabay ng pagtulak sa troley, kung saan may apat na pasahero at ako ang nakasakay.

"Andito ka ba mamaya?"

"Sa paradahan? Oo. Bakit?" Sagot niya, at nakakapagtakang di siya hinihingal sa pagtutulak. Gusto ko nga minsan tanungin kung saan siya humuhugot ng lakas sa araw araw niya ginagawa ito.

"Aera?" takang tawag niya sakin, napayuko naman ako dahil napatulala na pala ako sa kaniya.

"May ibibigay ako sayo mamaya." Sabi ko na lang para, di mahalata ang kakahiyan ko kanina.

"Bakit di mo na lang ibigay ngayon?" Sabi niya na may halong pag-aalala, atsaka tumingin sakin. "Alam mo naman kung gaano kadelikado dito, diba?"

"Oo." 'Di ko siguradong pahayag, habang nakatingin sa ibang direkyon kaya napansin ko ang ibang pasahero na napatingin sa gawu namin dahil sa sinabi ni Ero. Nangamba siguro dahil dun. "Eh. N-Nakalimutan ko kasi."

"Bukas na lang nang maaga." Bored niyang mungkahi at nainis naman ako dun. Pero ikinimkim ko na lang at ipinilit ang gusto ko.

"Mamaya na lang. Kasi kung bukas baka makalimutan ko na naman." Walang kwenta kong palusot na may kasamang ngiti na sana ay mapasuyo siya sa gusto ko.

"Hindi." Agad nitong sagot at itinigil ang pagtutulak dahil andito na kami sa babaan at sakayan ng jeep ng lugar namin. Naka-alis na ang ibang pasahero, maliban sakin.

Nakatayo na siya sa harapan ko at nakapamewang na animo'y isang tatay na pinagdedesisyonang payagan ang anak nito na lumabas ng hating gabi.

"Kahit saglit lang?" Pagmamaka-awa ko na. Nagtitigan lang kami sa isa't-isa, pero 'di ko mabasa ang nasa isip niya, dahil wala siyang pinapakita na kahit anong ekspresyon. 'Di ko alam kung kailan siya naging ganiyan, alam ko dati may pagkaseryoso na siya, pero nung bumalik ako mula sa pagbabakasyon ay nagbago siya at lalong naging seryoso. Tipong may gumugulo sa isip niya.

"Osige." Sabi niya na ikinatuwa ko naman.

"Yes! Sabi ko na, di ka makakatanggi sakin e." Sabi ko habang masaya't tumatalon pababang troley.

"May sasabihin din kasi ako sayo, pero mamaya na lang din." Sabi niya na may ngiti sa labi na 'di umaabot sa mata.

"Okay.. Sige una na ako." Paalam ko at habang papaalis na ang sakay kong jeep ay ang pag-alis din niya sa paningin ko.

When The Fate InterfereWhere stories live. Discover now