Chapter seven. The antipathy reunion. (The characters, part 1 )

5 0 0
                                    

3rd Person P.O.V

Kalat na sa balita ang kagimbal-gimbal na pangyayare sa mall, halos lahat ng mga nakakapanood ng balita ay 'di mawaring nag-aalala din sa mga taong nadamay sa pagsabog.

Lalong lalo na si Elisabeth na Ina ni Ero. Hindi siya makapaniwalang nangyare ang pagsabog kung saan malapit sa pinagpa-part time job ng kaniyang anak. Napa-sign of the cros muna siya bago tumayo at pumunta sa kaniyang kwarto, para kunin ang kaniyang pitaka at umalis ng kaniya bahay. Sa kaniyang pagbaba naabutan niya ang kaniya ina na mukang nakapanood narin ng balita.

"Eli. Tinawagan mo na ba si Ero?" Sabi nito.

"Hindi nga po siya sumasagot sa tawag ko, Nay." Sabi nito at muling kinuwa ang cellphone nito sa kaniyang pitaka at sinubukang tawagan uli. Pero puro ring lang ito ng ring.

"H'wag mong sabihin saking pupuntahan mo siya sa mall!? Porket 'di siya sumasagot." Nag-aalalang pahayag na may halong pagbabanta sa boses ng kaniyang ina.

"Nay. Pupunta po ako sa kung saang malapit na ospital d'on sa mall, para makasigurado tayong ligtas siya. 'Di ko po kayang maghintay dito." Paliwanag niya at itinago ulit sa pitaka ang cellphone niya sabay hawak sa kamay ng kaniyang inang nag-aalala na rin sa kaniya. "Nay. Ipagdasal niyo na lang pong mahahanap ko siya ng ligtas, ha?"

"Osige, kung mapilit ka, pero mag-iingat ka." Ayun na lamang ang masasabi niya sa kaniyang anak na labis nag-aalala para sa kaniyang apo. Maging siya rin ay nag-aalala kay Ero, pero 'di niya kakayanin kung dalawa na silang nasa peligro.

Agad naman umalis si Elisabeth para makapunta sa sakayan ng Jeep. At sa pagsakay niya ay walang katapusang dasal ang nasa kaniyang isip para kay Ero. Mga ilang minuto ay malapit na siya sa babaan ng jeep kung saan papuntang mall, pero agad namang sumalubog sa kaniya ang dagsa ng tao, mga ambulansiya, mga ilang pulis na nagkalat, at pati na rin ang mga media na nag-uunahan pumunta sa pinanggalingan ng pagsabog.

"Pupunta tayo sa Mozo General Hospital, doon dinadala lahat ng na-injured." Sabi ng isang reporter sa kasamahan nitong camera man atsaka sumakay sa kanilang van.

Napahinto naman si Elisabeth sa narinig niya, at wala naman siyang sinayang na oras at agad ding sumakay muli sa jeep na patungo naman sa sinabing hospital. At katulad ng pangyayare kanina ay nagkalat na naman ang mga tao sa tapat ng hospital, mga pulis na pinakiki-usapan ang ilang media na nagpupumilit makapasok ng hospital at kung minsan ay haharangin pa ang mga pasyenteng lulan ng ambulance mobile para sa ilan nilang katanungan, pero agad din naman silang pinapalayo sa entrance para makapasok sa loob ng hospital.

Napailing naman si Jenesis sa mga nanggugulong media sa mga pasyenteng papasok ng hospital. Lalo na isang pasyenteng namimilipit sa sakit pero itong mga reporter ay hinaharangan siya para sa ilang katanungan.

"Kitang umaaray na nga yung tao sa sakit, nakuwa pa nilang tanungin ng kung anu-ano. tsk. tsk. tsk..." Sabi niya sa hangin at muling itinuon sa pakay niya. Ang hanapin ang kaniya anak.

"Ah. Sandali lang ma'am." Sabi ng pulis na humarang sa kaniyang pagpasok sa loob ng hospital. "Pwede po ba naming malaman kung sino ang pupuntahan nila."

Nagtaka naman siya sa tanong ng pulis. "Hindi ba dapat receptionist lang ng hospital ang magtatanong sa'kin niyan?"

Napabuntong hininga naman ang pulis. "Sorry misis, dahil may mga hindi basta bastang pasyente ang nandito sa hospital at pinapanatili lang namin ang kanilang seguridad at kung wala sa listahan ng mga pasyenteng nadamay sa pagsabog sa mall ang pupuntahan niyo ay hindi kayo makakapasok."

Nagtagis ang dalawang kilay ni Elisabeth sa mahabang lintaya ng pulis. "Huh? Mukha ba akong may pake sa kanila? Gusto ko lang malaman kung maayos ang anak ko. At kung hindi sila basta bastang pasyente, para sabihin ko sayo, hindi rin basta basta ang pagluwal ko sa anak ko!"

When The Fate InterfereWhere stories live. Discover now