HANA POVBakit andito si Era?
Hindi ko na alam ang gagawin.
Lahat na nang pag-iiwas ay ginawa ko na. At akala ko nasa ibang bansa siya, pero bakit nandito siya ngayon?
"Ack! Aray!" Daing ko nang mabanga ako sa likod ni Jay. Kanina pa pala kami tumatakbo, 'di ko na alam ang nangyayari sa paligid simula ng hilahin niya ako palayo kila Era.
"It seems like you have deep thoughts after we run away from them. Care to share?" Aniya na nakapamulsa at mataimtim na nakatingin sa'kin.
Kaya ko bang sabihin?
Hindi. 'Di ko kayang sabihin. Natatakot ako.
Nanaig ang katahimikan at kaluskos ng mga dahon ang taning naririnig namin. Pero 'di ko mapigilan magtanong. "Bakit 'di mo sinabi sa'kin na dito pala nag-aaral si Era?"
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya at naramdaman ko ang pagdampi ng daliri niya sa patilya ko, paghaplos sa likod ng aking tenga, sa panga, hanggang sa makarating sa aking baba at mula doon inaangat niya ng bahagya ang aking mukha upang magpantay ang aming tingin. "I don't have any idea and I don't care, so there's nothing to be jealous of. As I told you before you're the one. Right?"
Agad naman akong umatras mula sa kaniya at umiwas ng tingin. 'Di talaga mawawala ang mga banat niya kahit seryoso ang tanong mo. "Hays... Hayaan mo na nga. Ba't nga pala andito tayo sa kakahuyan?"
"I feel suffocated that's why I bring you here." Sabi niya at humakbang papalapit sakin, atsaka mataimtim niya akong tinitigan dumagdag pa ang lilim ng puno na nagpadilim sa seryoso niyang ekspresyon. "I told you before that you were my air and that I needed you all the time. That's why I keep bugging you to enroll here, but why the hell were you asking me earlier about why I was following you?"
"A-andito kasi si Samantha, at ayokong malaman niyang Ikaw ang dahilan kung ba't gusto ko dito." Paliwanag ko na maypagkamot pa sa ulo. Pero parang lalong dumilim ang mukha niya. "Ang babaw lang kasi."
"But I like that as a reason." Sabi niya. At sa mga oras na iyon ay ngayon ko lang nakita na may sinseredad sa kaniyang mga mata, pero saglit lang ito at nanumbalik muli pagiging seryoso. "Kinakahiya mo ba ako? And who the hell is Samantha? Is she a straight woman? How long have you known each other? Is it time for me to be worried?"
"H-Huh??" Sumasakit ang ulo ko sa mga tanong niya. Anong straight woman?? "Two years na kaming magkaybigan at wala ka dapat ikatakot dahil mapagkakatiwalaan siya at 'di niya ako...."
Iiwan. Siguro..
"Hmp. Two years is nothing compared to us, who have known each other since childhood." Sabi niya na naka-cross arms pa. "Yeah. There's nothing to be scared."
YOU ARE READING
When The Fate Interfere
RomanceThis is about people who will get tangled to what is called fate. One will run from the past and the other one will stay to remind what they have in the past. But the fate have the other plan for them, so fate includes other string to make their lif...