ERO P.O.V.
Na-discharge na ako sa ospital at naikwento din sakin ni mama ang napag-usapan nila ni Mr. Raf na kesyo pumapayag siyang na siya ang magtustos ng pag-aaral ko kahit 'di niya alam kung bakit. Dala na rin siguro ng pagkakaybigan nila kaya napapayag si mama. Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit ayaw ni Sir. Rafael ipaalam ang napagkasunduan namin.
Kasalukuyang akong nageempake nang may naramdaman ako sa aking paahan. At kinukuskos niya ang kaniyang katawan sa binti ko. "Luna. 'Di ka pwedeng sumama."
At nag-purr naman siya sakin atsaka umalis. Maldita. Tulad ng pumulot sa kaniya, pero maalala niya pa kaya 'tong itim na pusa na akala namin walang boses kasi paos siyang mag-meow pero kinatagalan ang ingay na niya.
"Ero. Sigurado ka bang magandang paaralang 'yon? May bali-balitang 'di maganda ang pamamalakad doon." Pahayag ni mama na nakasandal at naka-cross arms sa may pintuan.
"Ma. Oportunidad na 'to. Atsaka akala ko ba ayaw mo na akong mag-part time?" Tanong ko, habang inaayos ang mga bibitbitin kong bagahe.
"Oo nga. Ayoko lang mapahamak ka ulit." Paliwanag niya.
"Okay lang ako Ma. Atsaka kasama ko naman si Samson doon." Ani ko, at saktong si Samson ay paparating. Dahil nag-iingay na ang mga kapitbahay at nagtilian na ang mga tagahanga ni Samson. Kaya lumabas na kami sa aking kwarto't kasama ang mga bagahe.
"Hello Everybody. Samson the great is here." Pambungad niya habang tumatakbo papasok ng bahay at umupo ng nakadekwatro sa mahabang upuan namin na gawa sa kawayan. Feel at home na feel at home ang mokong.
At sa aking paglapit ay hinagis ko ang mga bagahe ko sa kaniya. "BRO!! What was that for?" Reklamo niya.
"Para yan sa kaartehan mo nung gabing nakita tayo ni Sir. Raf." Bulong ko, habang nakakapit ng mahigpit sa kaniyang kwelyo. "Pinagkamalan niyang may relasyon tayo."
"Dude. nakita mo na ba silang mag-bromance ni Sir. Robert?" Tanong niya, atsaka tinapik ang kamay ko mula sa kwelyo niya.
"Sinong Robert?" Tanong ko habang kinukuwa ang mga bag na binato ko kanina.
"Siya lang naman 'yung may-ari ng ospital at paaralang papasukan natin." Aniya.
"Baka may pagtingin siya kay Sir. Raf." Paninira ko kay Robert na 'yon.
"Ero. Wag kang magsalita ng ganyan sa ibang tao." Pagsuway sa'kin ni mama.
"Oo nga. atsaka, ba't parang botong boto ka kay Sir. Raf?" Tanong niya at lumapit sa'kin na nakapamewang. "Sabihin mo Ero. Do you have an affair with him?"
Wala sa sariling naihampas ko sa kaniya ang bag ko. "Siraulo."
YOU ARE READING
When The Fate Interfere
RomansaThis is about people who will get tangled to what is called fate. One will run from the past and the other one will stay to remind what they have in the past. But the fate have the other plan for them, so fate includes other string to make their lif...