9:45 PM
Nagtaka ang lahat ng lumayo siya sa'kin at pinahinto ang tugtugin, atsaka parang modelong naglakad papalapit sa isang table at walang pakundangang kinuwa ang isang basong may lamang alak at bumalik ulit sa kinaroroonan ko.
He has this devilish smile when he look at me and when his eyes turn to other direction, I saw a glimpse of sadness in his eyes and back into his usual smirk.
What was that? At para kanino ang lungkot na iyon?
"To all the guest here, to Don Lucas my grandfather and to my Dad, Sir. Roberto. I am glad to have this kind of moment..." Sabi niya na may bahid ng sarkastiko sa kaniya pananalita. Napatingin naman ako kay Don Lucas na magkasalubong ang kilay nito, at ganun din si Sir Roberto na napa inom pa ng alak.
"I am glad to have all your attention, I am glad standing in front of all the noble business man here also to the media. But most of all I am very glad to be part of the Oromozo. Even though,.. " Uminom muna siya sa kaniya alak na hawak, bago ito itaas sa ere. Nagkakaroon na ng tension sa paligid. "Oromozo is not in my blood. Yes, me and my brother was adopted. Thinking you all not questioning our existence from the beginning is surprising. Still, of course, you are all only here for a stronger connection, to gain more power to the people with a similar goal and since we're talking about Don. Lucas, who arranged this, you were all assured that everyone is can be trusted. And we should.. cheers to that."
Biglang nagkagulo, tumaas lalo ang tension at nangibabaw ang commotion, lalo na ang media na animo'y mga gutom sa information.
At balak kaming dumugin kasabay ng nakakabulag na flash ng mga camera nila. Naging alerto naman ang mga marshalls at ilang guards sa paligid at pilit pinapalabas ng bahay, marahil utos ni Don Lucas. Pero huli na dahil narinig na ng mga media ang gusto nilang marinig.
"I am Jay and my brother's name was Hyde. And I'm sorry to say; there will be no wedding going to happen." Sabi niya ng walang nag taas ng baso para sa cheers na gusto niya, atsaka inisang lagok ang natitirang alak sa kaniyang baso.
Lumapit naman siya sa'kin at inilapag sa kamay ko ang baso. Sa gulat ko sa mga pangyayare ay nakatulala lang ako, hanggang sa magsalita siya. "It's time for you to run away, Cinderella. "
Agad akong lumingon sa kaniya pero sa paglingon ko, ay agad hinagip ni Ate Angela ang kamay ko at hinila ako sa kung saan. Pero bago mawala sa paningi ko si Adrian a.k.a Jay daw, ay nahagip ng mata ko kung paano siya lumapit sa isang babaeng naka pink cocktail dress at nilapag ang kaniyang kamay sa ulo nito, kita ko din kung paano siya ngumiti bago lisanin ang babaeng tinutukoy niyang ka-one sided love.
"H-Hana?" Si President.
Sobrang gulo ng mga pangyayare sa loob ng bahay ay 'di ko napansin ang pagtakbo namin sa kakahuyan. Lalong lumutang ang kaputian ng gown na suot ko dahil angat ito sa dilim at nasisinagan ng buwang ang ilang maliliit na Swarovski at Rhinestones sa gown ko.
"Ate Angela saan tayo pupunta?" Sabi ko sa pagitan ng hingal at takbo.
YOU ARE READING
When The Fate Interfere
RomanceThis is about people who will get tangled to what is called fate. One will run from the past and the other one will stay to remind what they have in the past. But the fate have the other plan for them, so fate includes other string to make their lif...