Chapter three. Aera's Day

7 0 0
                                    

Aera's POV


Kina-umagahan ng aking kaarawan, isang 'di sinasadyang balita ang aking narinig.


"Gusto kong maikasal ang anak niyong si Aera sa apo ko." Boses ng matanda ang narinig ko sa sala. Si Don Lucas. Ama ni Sir. Roberto na kaibigan at kasosyo sa negosyo ng mga Marshell.


"P-pero. Nasa 21st century na tayo Don Lucas, hindi na uso 'yon." Natatawang pahayag ni papa. Marahil 'di siyang makapaniwalang nasabi ito ng matanda sa kaniya.


"Tama si Rafael. At ayaw namin maikasal ang anak namin sa taong 'di pa namin kilala. K-Kahit ang pangalan niya ay 'di namin alam." Sagot naman ni Mommy.


"Adele, kaya nga maganda ang pagkakataong ito na maipakilala ang dalawang susunod na magmamay-ari ng ating naipundar sa mahabang panahon, simula pa sa mga naunang henerasyon sa atin." Aniya na ikinalambot ng tuhod ko't napasandal sa pader.


"Pero, Don Lucas, we don't have to do this to our children, its somewhat looks like their engagement was just the proof for a long time merged of our companies." Pahayag ni Mommy na talagang nag-aalala sa sitwasyon ko kung sakaling mangyare iyon. "I'm sorry Sir. I don't like your idea. I won't let my daughter be married just bacause of business."


'Di ko na kaya ang bigat ng pangyayare, para akong hinihila pababa. Sana h'wag nilang hayaang mangyare ito.


"As far as I know Adele. Your Company was relying on ours, which mean the Oromoxo Corporation can take whatever you have in just a snap." Pagbababala ng matanda na alam kong, ikinatakot nila mommy at papa.


Alam ko kung gaano makapangyarihan si Don Lucas, pero bakit niya 'to ginawa sa'min? Kahit may utang na loob kami sa kaniya ay hindi na 'to makatarungan.


Nanaig ang katahinikan nang magsalita si papa na ikaguho ng mundo ko. Sarili kong ama ay pumayag sa kahibangan ng matandang ito. "We'll think about it. "


"Rafael!! How could yo—"


Tumakbo ako palabas ng bahay, dahil ayokong marinig ang pagtatalo nila. Pero sa paglabas ko ng gate ay nanigas ang buo kong katawan dahil sa paparating sasakyan na naging dahilan sa aking pagkawala ng balanse at mapabagsak sa lupa. Muntik na kong masagasaan.


"God!! Aera!! What the hell? Are you okay." Nag-aalalang tanong ni Sir Roberto at kasunod niya sa paglabas ng sasakyan ang dalawang lalaki. Isang mukang kasing idad ko at yung isa ay mukang ka-idad ni Kuya Ero na nakapamulsa't kalmado lang akong tinitignan.


Masama kong tinignan si Sir. Roberto na nakaluhod ang isang tuhod at nais akong tulungan makatayo. "Stay away from me."


Nagulat sila sa inasta ko, marahil wala silang alam kung bakit at ano ang dahilan sa likod ng inaasal ko.

Agad akong tumayo at nilagpasan sila, pero hinawakan ako ng mahigpit sa braso ni Sir. Roberto. "Kailan ka pa naging rebelde?"


When The Fate InterfereWhere stories live. Discover now