Dreams and past are sort of similar.
Siguro nga, para sa ibang taong nakakaranas managinip ng kaniyang nakaraan. Ang mga nakalipas na ala-ala na nagbabalik sa panaginip.
At ito ang panaginip ng nakaraan...
Isang dose anyos na batang si Ero na may sariling mundo't walang pakielam sa ano mang panganib ang maaaring mangyari sa kaniya. Noong gabing makita niya ang isang batang nakasubsob ang mukha sa upuan ng isang trolley na nakaparada sa gilid ng riles.
Nung una ay nagtataka siyang makita ang umiiyak na bata sa lugar na hilig niyang tambayan, at 'di rin maikukubli ang karangyaan sa kasuotan nito na animo'y isang mayamang batang naliligaw lamang kaya'y umiiyak.
Ayun ang unang pumasok sa utak ni Ero, ganun pa man 'di niya muna nilapitan. Sa kadahilanang baka pagtarayan at laiitin siya nito, dahil ganoon ang kaniyang pagkaka-alam sa mayayamang bata. Bagkus, nanatili siya't hinintay na matapos.
Halos ilang minuto itong umiyak at ganoon din katagal ang pagiintay ni Ero bago ito huminto at iniangat ang kaniyang namumulang mukha.
"Kanina ka pa d'yan?" Sabi ng batang babae sa pagitan ng kaniyang pagsinghot at pagpunas ng papatulong luha.
"H-hindi. Kakarating ko lang." Pagsisinungaling nito. Tumayo na ang batang babae sa pagkakaluhod at inupuan ang pinagsubsuban niya ng mukha, marahil pinunasan niya ang parteng nabasa ng kaniyang luha.
"Ano pang ginagawa mo dito?" Pagtataray nito. Mukhang alam na ni Ero ang susunod na mangyayari tungkol sa pag-uugali ng mga batang mayayaman, kaya bago pa man siya laitin nito ay tumalikod na siya kahit labag sa kalooban.
Nanaig ang tunog ng mga alitaptap habang papalayo siya dito at ilang kakaibang ingay sa hindi kalayuan—na nagpahinto sa kaniya. At dahil umaangat na naman ang kaniyang kuryosidad ay balak niya sanang puntahan ito, pero hindi ito natuloy nang magsalita ulit ang batang babae.
"Hoy! Bata." Tawag nito kay Ero. Pero 'di siya pinansin nito at itinuloy parin ang naudlot na balak, dahil muli na naman siyang nakarinig ng kakaibang ingay sa di kalayuan.
Ngunit napahinto ulit, dahil naman sa isang maputi't malambot na kamay na nakahawak sa kaniyang braso.
"H'wag." Pagsusumamo nito habang pilit siyang inilalayo sa kakaibang ingay. "Baka kunin ka nila."Kumunot naman ang noo ni Ero sa sinabi niya at natawang bahagya sa gustong nitong iparating.
"Pft. Sino naman ang kukuha sa'kin? Hindi naman kami mayaman, baka ikaw pa nga ang kunin d'yan e." — At tsaka niya pinasadahan ng tingin ang magandang dress nito na mistulang isang batang prinsesang lumabas sa isang fairytale story.— "Sino ka ba?"
Hinila niya muna si Ero papasok sa trolley, dahil hindi siya kampante sa ingay at kaluskos na naririnig niya sa paligid. "Ako si Aera."
"Ah." Walang ganang pahayag ni Ero, dahil 'di siya interesado kahit siya pa ang nagtanong dito.
"Ikaw anong pangalan mo?" Tanong ni Aera na 'di parin mapakali sa paligid.
"Ero." Simple niyang sagot. Wala talaga ang atensyon niya kay Aera, kundi d'on sa kakaibang ingay na ikinatatakot ni Aera. "Natatakot ka ba?"
"A-ako natatakot? S-saan naman?" Pahayag nito.
"Sa kumukuwa ng bata... Kasi ako hindi e." Sagot ni Ero.
"Bakit hindi? Baka kunin ang atay mo at kinaumagahan makikita ka na lang sa kalsada na buka ang tyan at may naka-ipit na pera." —Parang praning na pahayag nito. Na may pagsabunot pa sa ulo.— "Hindi mo ba nababalitaan 'yon?"
YOU ARE READING
When The Fate Interfere
RomanceThis is about people who will get tangled to what is called fate. One will run from the past and the other one will stay to remind what they have in the past. But the fate have the other plan for them, so fate includes other string to make their lif...