💽Volume 20

219 7 2
                                    

When i look at you
I see forgiveness
i see the truth
You love me for who i am
like the stars hold the moon
right there where they belong
and i know im not alone

_Miley Cyrus








Madaling araw na nang mag-uwian ang lahat, sinulit ang pagkakataon na buo pa silang barkada. Taon din ang binilang bago sila nagkaroon ng pagkakataong magkita-kita at bibilangin ulit ang buwan bago ulit sila mabuo dahil narin sa kani-kanilang trabaho, lalo pa at ang ilan sa kanila ay sa ibang bansa na naninirahan. Kung kaya pag may pagkakataon, sinisigurado nilang sulit ang araw na iyon na magkakasama sila.












"Ags una na kami and please may bilin sayo." Paalam ni Sharon, tumango na lang si Aga kahit hindi niya maalala kung ano yung bilin nito sa kanya.









"Pare una narin ako kita na lang ulit tayo." Paalam din ni Richard na nasa loob na ng kotche niya.








"Pare hinay-hinay lang sa pagmamaniho tingin sa daan huwag sa kung saan-saan." Biro pa ni Aga kaya napailing nalang si Richard sa sinabi nito.













"Ags paki sabi na lang kay Reg na nauna na kami ha." Bilin ni Mikey kasama ang anak niya na inaanak namin ni Reg.











"Sigeh sasabihin ko." Nasa guest room pa kasi si Reg ginigising si Ali, ang kaso pahirapan daw itong gisingin pagnapahimbing na ang tulog, parang si Sab mana sa nanay.





MINUTES LATER.





Nasa loob parin si Rege ng biglang may kumatok sa pinto kaya pinagbuksan niya muna ito.









"Mahimbing na ang tulog eh." Rege informed in frustration when she got out and close the door.













"Bukas na lang kayo umuwi tabihan mo nalang si Ali diyan." Aga suggested habang sinusundan si Rege papuntang balcony.









"Hindi pwede kasi may lakad sila bukas ng Daddy niya." Sabi nito ng maupo sa bench kung saan sila nag-usap kanina ni Scarlet.













"Ahh si Ariel." Tango nito habang si Aga halatang may ipinahihiwatig, hindi na iyon pinansin ni Rege kasi abala siya sa pag-iisip. Ilang sandali pa ay nagsalita ulit ito.



"Kinausap mo na ba si Sab?" Nakaupo na sila sa railings ng balcony.







"I did, hindi ko alam kung mapapatawad pa ba niya ako." She answered in distress while looking outside embracing herself kasi medyo malamig na.








"I know she will, one of this days." Pagpapagaan nito sa loob ng dating asawa, well, they're still husband and wife maybe not physically or emotionally but legally.






"How is she ba noong hindi pa siya nag-aartista, i mean her teenage life before?" Tanong nito na ngayon nakatingin na kay Aga. Huminga muna siya ng malalim bago magumpesahang magkwento.








AGA



"Mahiyain peru pagnagalit naku mahirap kalaban, masungit din, mahilig magsketch just like you." Umpisa ko. "Halos mapuno na nga yung kwarto niya noon dahil sa mga drawings niya na nakadikit lahat sa dingding, she's very talented at the age of 5, natatawa nalang kami ni Mama sa tuwing pumapasok kami sa kwarto niya." Tawa ko ng maalala yung mga ginawang kalokohan noon ni Sab, napangiti rin siya sa sinabi ko. It's really amazing seeing her smile.







RenditionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon