/ Chapter 27 /

2.1K 35 3
                                    

Valerie Von Fontana.

"Jusmeyo" Nagulat na sabi ni Lola, May pahawak pa sa puso ng tumingin ito kay Sean. Panigurado napogian to kay Sean.

"Oh! Good evening po, Sean Donnellan po" he offered a hand to shake Lola's hand.

Akala ko ishashake niya pero... Nagmano pala sis!

Hoy! Magmano kadin saakin!

"Ahh... Aym Von's Lola" Hinawakan niya pa kamay ni Sean at inalog alog to "Please take care of my grandchildren" english niya pa.

Wow, Lola napanis ako dun ah.

"Pasok nako naka-istorbo ata ako sainyong mag-jowa ahe" Natatawang sabi ni Lola habang kinuha yung mga paper bag at pumasok.

Hindi ko namalayan na namumula na pala ako.

Ang issue mo Lola!

"Hindi ko talaga Lola yun, Lola ko nasa kabilang bahay" Napapahiyang lusot ko.

Natawa naman siya saakin "Gusto ko nga asar ng Lola mo eh" Luh, gago bakit ka ganiyan Sean.

Bakit kailangan ganiyan! Wag ka oa, Valerie! Asar ng Lola hindi ikaw...

"Sana everyone, Gusto" ...Holyshit sinabi ko yun? Bibig okay kalang? Napahawak ako sa bibig ko at tinapik-tapik iyon na parang pinaparusahan dahil sa mga nilabas nito.

Hinablot naman ni Sean mga kamay kong nasa bibig at hinatak ako palapit sakaniya.

Automatic naman akong napatinginsa mga mata niya, nagtataka sa ginawa niya kahit nagustuhan yon ng buong loob ko.

Malapit kami sa isa't isa. Sean was just looking deep into my eyes like he's searching for something.

Nilalabanan ko mga titig niya, hindi naman mahirap para sakin dahil matagal ko nadin gustong titigan mga mata niya.

Mala-kape ang kulay ng mata niya, Mahaba ang pilik mata at medyo singkit... Isa sa mga namano niya sa koreano niyang Tatay. Kahit papano may halo parin itong dugong Pilipino, siguro sa Nanay niya iyon! I bet!

Not for long, nagsalita narin siya.

"I-"

Ito yon, Ito yung moment na babasahin niyo muna kung ano yung nasa isip ko.

Yung tipong nagslow-motion lahat.

Masyado ako nag eexpect at nagiisip ng madami.

Feeling ko na yung sasabihin niya ikakahimatay ko.

Feeling ko magiging masaya ako.

Feeling ko sasabog ako ng kakiligan.

Yun ba talaga sasabihin niya? Aasa ba ako? Makakaya ko ba yung lungkot paghindi iyon sinabi niya? Bakit sa dinaming salita na nagsisimula sa Letrang I iyon agad lumabas sa isip ko.

Grabe! The stress! 'I' palang yan.

Malay mo.

I hate you.

I will leave now.

I have food for you.

I like the biew.

I??? basta!

Sa dinadami, bakit ito naman ineexpect mo.

I will miss you.

I will bring you pasalubong.

... I like you.

Pero may isa ka talagang ineexpect, na ilang beses mo ng pinagdasal na sana marinig mo yun sa lalaking nasa harap mo ngayon.

Face the reality, Kung ano man sabihin ni Sean, Tatanggap ko... Doon din naman bagsak ko.

Ito na... Hindi na magiging slow motion.

Back to reality na tayo.

"I-"

"I'm going to miss you" Suddenly i felt two emotions.

One is Happiness.

And the other one is Disappointment.

Gago, maling madissapoint ako... Parang wala ako sa lugar na maramdaman iyon.

Pero tao ako eh, may pakiramdam.

I felt drained, But i grabbed all my enery to gave him a smile.

"Pano pako, I'll miss you too"

𝗟𝗼𝘃𝗲 𝗮𝘁 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗦𝗶𝗴𝗵𝘁 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon