Ni: Aska Saori
Napakaraming katanungan
Ang pumapasok sa aking isipan
Mula nang iyong ininwan
Puso ay labis na nasaktan
Inalala ang mga panahong magkasama
Oras ay napakabagal ng takbo
Dahil sakin umiikot ang iyong mundo
Ipinikit ko ang aking mga mata
Nakita ko ang iyong mala-anghel na mukha
Sa mga panahong ika'y nakikita
Naaalala mga masasayang pagsasama
Bakit ba kailangan pang mangyari ang lahat?
Ang lahat ng sakit at pait na ikaw ang may dulot
Ako ba'y hindi pa sapat?
Bakit hindi mo masuklian kung ano ang dapat?
Alam mo ba kung gaano kasakit?
Nang ako'y iyong ipagpalit?
May karapatan ba kong magalit?
Sa mundong puno ng pait
Sa mundong puno ng hinanakit
Ako'y napapapikit
Sa mga ala-alang masasakit
Na dati ako pa ang iyong kasama
Dati na tayo'y masaya pa
Kailan kaya maibabalik ang dating tayo?
Kung meron ng siya at wala ng tayo.