Ni: Aska Saori
Ipinikit ko ang mga mata ko
Inhale, exhale, bumilang hanggang sampu
Bilangin kung ilan ang mga maling nagawa
Sobrang dami, hindi alam kung saan aabot
Naranasan mo na bang umiyak ng sobra?
Naranasan mo na bang magkunwaring masaya sa harap ng iba?
Kung oo, hayaan mo hindi ka nag-iisa
Lahat tayo may pinagdadaanang problema
Makinig ka sa aking tula
Ang buhay, hindi lang ito nakatuon sa mga bagay na masasaya
Minsan makakaramdam ka ng sakit at hapdi
Na kung sino pa yung taong mahal mo
Sila pa yung mananakit sayo
Sobrang hirap, lalo na kung sila nakangiti
At ikaw? Ayun, nasa sulok. Hindi alam kung ano ang gagawin
Sa loob ng taon, buwan, linggo, araw, oras, minuto, Segundo
Bakit niyo ko hinayaang mabalot sa kalungkutan?
Ni minsan ba kinamusta niyo ang lagay ko?
Tinanong niyo ba ko kung ayos lang ako?
Oo nga pala, bakit niyo ko tatanungin
Kung ang tanging ginagawa niyo lang ay saktan ako
Napakahirap,
Napakahirap isipin na kung sino pa yung taong pinagkatiwalaan ko
Ay siya ring sasaksak sa akin ng patalikod
Masasanay rin ako,
Masasanay rin ako sa lahat ng sakit
Makakatakas din ako sa mundong nababalot ng kalungkutan
Magiging masaya rin ako,
Hindi dahil sa inyo kundi dahil sa iba
Ang sugat ay hindi permanente
Hayaan mong ang iba naman ang gumamot sayo
Wag na wag kang magpapabalot sa lahat ng sakit
Sa lahat ng paghihirap na sila mismo ang nagparanas
Lakasan mo lang ang iyong loob
Wag mong hahayaan na apihin at ibaba ka ng ibang tao
Tandaan mo para sa kanila ang salitang KARMA