Endless Pain

200 4 0
                                    

Ni: Aska Saori

Paano ko nga ba pipigilan

Kung patuloy ko pa ring naaalala ang nakaraan

Kung sa kanya pa rin ako nasasaktan

Kung ang puso ay hindi na muling maturuan


Ngunit paano nga ulit ito matututunan?

Kailangan ko nga bang humanap ng bagong paglalaruan?

Kailangan ko bang kalimutan ka nang tuluyan?

Kailangan ko bang ibaon ang mga alaala sa nakaraan?


Nakakatakot

Nakakatakot na baka makaramdam ako ng lungkot

Bakit ba hindi mahanap ang sagot

Na sa akin ay bumabalot.


Pinipilit pigilan ang nararamdaman

Ngunit sa tuwing ako ay pipikit

Ikaw ay aking nasisilayan

At hindi na muling nakararamdam ng sakit


Nangako ka.

Sinabi mo sa akin na hindi ka maghahanap ng iba

Sinabi mo sa akin na sa piling ko lang ikaw sumayaw

Pero bakit kayo ay magkasama?


Bakit ang mga kamay niyo ay magkakapit

Bakit unti-unti kong nararamdaman ang sakit

Habang mga labi niyo'y magkalapat

Sabihin mo sa akin na panaginip lang ang lahat


Sabihin mo sa akin na hindi ito totoo

Sabihin mo sa akin na walang kayo

Sabihin mo sa akin na imahinasyon ko lang ito

Paikusap mahal, wag ka namang ganito


Sinabi mo sa akin na magtiwala ako sayo

Pero bakit nung ibinigay ko na yung buo kong tiwala

Unti-unti ka namang nawawala

Mahal bumalik ka na sa piling ko.


Ibalik natin ang lahat

Ibalik natin ang lahat kung saan tayong dalawa'y nagkakilala

Ibalik natin ang lahat kung saan tayo ay masaya

Mahal nagmamakaawa ako, ako nalang ang piliin mo


Sana paggising ko sa umaga

Bubungad sa akin ang iyong maamong mukha

Sana pagtulog ko sa gabi

Ikaw ang aking katabi


Kung hindi na talaga ako ang iyong mahal

Wag kang mag-alala

Pipilitin kong maging metatag

Pipilitin kong 'wag masaktan


Mahirap pero kakayanin ko

Sasanayin ko ang aking sarili na hindi ka na katabi

Pipilitin kong ipaalala sa puso't isipan ko na hindi na ako ang iyong mahal

Salamat sa panandaliang saya at kilig. PAALAM


P.S Mema lang yung title niyan HAHA.

Facebook:

@Aska Saori



Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon