Sa Piling ng Iba

157 2 0
                                    

Ni: Aska Saori

Sabi nila, pag mahal mo yung tao

Matuto kang palayain ito

At tanggapin ang katotohanang

Sa iba na siya sasaya


Sabi din ng iba, na kapag mahal mo

Matuto kang ipaglaban ito

Ano pang saysay?

Alam kong siya at siya pa rin


Siya, anong meron siya

Na sa akin ay hindi mo nakita

Kung pagandahan lang pala 

Alam kong wala akong laban sa kanya


Ipaliwanag mo sakin

Kung bakit kailangan mo siyang saluhin

Pagpaparaya nalang ba ang kailangan kong gawin

O kakapit rin ako pero wala namang kakapitan


Dahil mas pinili mong kumapit sa kanya

Una palang alam kong nasa sa kanya ka

Una palang alam kong siya ang mahal mo

Pero ako, ako na nanatiling kumapit sa mga kamay mo


Ang daya, ang daya daya mo

Tinalikuran ko lahat para sayo

Pero dahil madaya ka

Tinalikuran mo rin ako para sa kanya


Sobrang sakit

Pero nanatili akong kumapit

Kahit alam kong sa kanya ka pa rin lalapit

Ang sakit sakit


Tumutulo nanaman ang luha sa mata ko

Luhang matagal ko nang pinigilan

Simula nang siya'y pinili mo

Mahal, bakit mo ako dinurog ng ganito?


Siguro nga, sa kanya ka na sasaya

Para akong sinasaksak ng paulit-ulit

Mga luhang paulit-ulit na pumapatak 

Pero heto ako, tinitiis lahat ng sakit


Lahat ng sakit na ikaw mismo

Ang nagparanas sa puso kong

Walang ibang ginawa kundi intindihin ka

Teka, teka, mali ako


Dahil simula palang nung una, siya na

Ang minahal mo. Kitang kita sayong mata

Na siya, ang mahal mo. At eto ako,

Ang tangang nagbigay sayo ng panandaliang saya


Paalala, panandaliang saya lang

Panandaliang saya na binigyan ko ng malisya

Na akala ko ako ang tunay na

Nagpapasaya sayo, akala ko lang pala


Sabi nila, ang daming namamatay

Sa maling akala, pero ako buhay na buhay

At sa tuwing naalala ko ang sakit

Unti-unti akong pinapatay


Pinilit kong lumaban

Kahit alam kong walang patutunguhan

Ngayong nagising ako sa katotohanan

Hindi ko alam ang pupuntahan


Magsisimula ulit ako sa una

Sa una, na ako lang ang nag-iisa

Salamat sa panandaliang saya 

Hahayaan nalang kita sa piling iba


(A/N) May nagbabasa ba? haha. Hope na makarelate sa inyo niyo. Iloveyou guys


Add me on facebook

@Aska Saori




Tagalog Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon