Ni: Aska Saori
Naranasan mo na bang magmahal ng lubusan?
Naranasan mo na bang ika’y alagaan?
Masaya diba? Masaya lalo na kung sayo lang nakatuon ang kanyang atensyon
Yung mga masasayang alaala niyong dalawaYung mga matatamis na salita na labis na nakapagpapakilig sa iyo
Yung mga salitang “Mahal hindi kita iiwan”
“Mahal na mahal kita”
“Ikaw lang at walang iba”Na halos araw-araw kayong magkadikit
Araw araw kayong magkasama na para bang wala ng bukas
Ang kanyang mga halik na sa paguwi mo ng bahay, ay halos ayaw mo nang maghilamos
Ang kanyang mga haplos na hahanap-hanapin mo sa tuwing siya ay walaGanito ba talaga ang pag-ibig?
Halos itaya mo na ang iyong sarili nang hindi mo alam ang pusta
Halos ipagsigawan mo na sa buong mundo na mahal mo siya
Na sa tuwing kayo ay magkikita, awtomatikong napapangiti ang iyong labiNgunit ang lahat pala nang yan,
Ay ginagawa niya lang para makalimot sa kanyang nakaraan
Para makalimot sa lahat ng pait at sakit dulot ng nakaraan
Para lang pansamantalang sumayaAng dating masaya ay unti unting nagiging malungkot
Ang dating magkadikit ay unti unting lumalayo
Ang dating tamis ay unti unting tumatabang
Ang dating pagmamahal na hindi naman pala totooAko yung kasama mo sa tuwing ika’y nalulungkot
Pero bakit siya pa rin ang iyong mahal?
Bakit sa kanya pa rin na walang ginawa
Kundi ang balewalain at saktan ka?Paano mo nakukuhang ipakita ang lahat ng yan sakin?
Kung hindi naman pala ako ang iyong tunay na mahal
Oo tanga na kung tanga. Bobo na kung bobo
Akala ko kasi nakalimot ka na sa kanyaAno pa nga bang laban ko?
Nauna siya, bago ako
Nauna siyang dumating
Bago mo ako nakilalaSa kanya ka unang sumaya, sa kanya mo naramdaman ang tunay na pag-ibig
Siya ang unang nandyan sa tuwing ikaw ay nalulungkot
Sana sinabi mo na lang sakin na hinihintay mo siyang bumalik
Nang sa gayon ay nakapaghanda man lang ako kahit kaunti
Kailangan ko itong tanggapin, kailangan kitang palayain
Kailangan kitang ibalik sa kanya
Dahil siya naman ang tunay na nagma-may ari sayo
Kailangan kong tiisin ang sakitPasensya na kung nagmistula akong kontrabida sa inyong dalawa
Pasensya na kung nahulog ako sa iyong mga salita
Hindi ko inaakalang hahantong tayo sa ganito
Na aabot pa sa puntong parehas tayong nasasaktanAng dating magkakapit, ay unti unting bumibitaw
Pinipilit ko pa ring kumapit sa iyong mga kamay
Nagbabakasaling maibabalik pa natin ang dati
Ngunit hindi ko namamalayang binitawan mo na pala itoHindi ako bubble gum na kapag wala na ang tamis
Iluluwa't itatapon mo nalang kung saan saan
At mas lalong hindi ako damit na kapag naluma na
Ipapamigay mo na lang sa kung kanino mo gustoNangako ka diba? Nangako ka na para sakin lang yang puso mo
Nangako ka na ako lang yung mamahalin mo
Oo, umaasa pa rin akong maibabalik pa rin natin ang dati
Umaasa pa rin akong na baka sakaling mag iba ang iyong isipPero kung sa kanya ka na talaga sasaya,
Sige mahal, hahayaan nalang kita
Maraming salamat sa mga alaala nating dalawa
Mga alaala na kung saan tayo ay naging masayaAy teka, mali pala
Na kung saan ako ay sumaya
Maraming salamat dahil sayo naramdaman kong mahalaga ako
Hahayaan na kita kung saan ka talaga nararapat.