Ni : Aska Saori
Parang kailan lang masaya pa tayong nag-uusap
Parang kailan lang ang lalakas ng ating mga tawa
Mababakas sa iyong muka kung gaano ka kasaya
Hanggang kailan ko kaya itatago ang aking nararamdaman?
Hindi ko maipagtapat sayo
Dahil nakakatakot na baka masira tayo
Na marahil ayun ang maging dahilan ng iyong paglayo
Puso ko'y sayong sayo
Isang araw sinabi mo "May pagtatapat ako."
Tinanong ko kung ano yun
Sari- saring tanong ang nabuo sa aking imahinasyon
Sasabihin na ba niya sakin ang totoo.
Ang totoo na mahal na niya ko
O ang katotohanang may ibang babaeng nagpapasaya sayo
Sumagot ka "May ibang babae akong mahal."
Dahan-dahang nahulog ang aking mga luha.
Sinubukan kong pigilan pero hindi ko nagawa
Ano ang wala sakin na meron sa kanya.
Pakisabing ito'y panaginip lamang
Akala ko ako ang mahal mo.
Akala ko ako ang gusto mo.
Akala ko ako lang ang babaeng nagpapasaya sayo.
Pero nagkamali nanaman ako.
Ewan ko kung bakit ang sakit-sakit
Ewan ko kung bakit ang bigat ng aking pakiramdam.
Habang pinapanood kitang humahakbang palayo.
Unti-unti bumabagsak ang aking tuhod
Napaupo ako sa sahig at tinatanong kung babalik ka pa ba?
'