Ni: Aska
Mahal kamusta ka?
Miss na miss na kita
Bumalik ka na
Magsimula ulit tayo sa umpisa
Mahal naalalaa mo pa ba?
Nung tayo'y unang nagkita
Hindi maitago ang kinang sa iyong mga mata
Mga nasa paligid natin ay naglaho na parang bula
Dumating ang mga problema
Sinabi mong nandiyan ka lang sa aking tabi
Nangako ka na kahit anong mangyari
Hindi mo ko iiwan.
Ngunit mahal......
Bakit nang siya ay dumating
Biglang nawala ang lahat sa atin?
Ikaw ay nanlamig na tila yelo
Nasa'n ang mga pangako mo
Mahal umiiyak ako
Pero bakit masaya ka sa kanya?
Mahal nagiisa ako
Pero bakit nasa tabi ka niya?
Ano ba ang aking pagkukulang?
Mahal pipilitin ko yung punan
Mahal bumalik ka na
Magbabago na ko
Labing isang letra
Tatlong salita
Ang nakapagpaguho ng aking mundo
"Mahal ko siya"
Nag uunahang tumulo
Ang aking mga luha
Siguro sa kanya ka na talaga sasaya
Paalam na mahal........