narration
"Psst." pagtawag ni Aki kay Lisse na kasalukuyang nagbabasa ng libro. Nandito kasi sila sa library. Si Tami, may inaasikaso pa sa classroom kaya sila nalang apat ang naiwan dito. Si Lisse, Si Aki, Si Kenji at si Phi. After what happened last week, napansin na nila ang pagiging close nina Kenji at Phi. Oo, close na sila. Kapag recess, sila agad yung unang pupunta sa cafeteria. Makikita mo nalang sila na nag-uusap at tumatawa habang kumakain. Minsan naman, tumatambay silang dalawa sa school's garden at doon nag-aaral. Hindi nga sila classmates eh.
"Huyyy." pagsisiko ni Aki ngunit nakatutok parin ang atensyon ni Lisse sa librong binabasa. 'Sana libro nalang ako' sabi ni Aki sa isip. Kilala siyang playboy sa campus, oo tama yan pero seryoso siya kay Lisse. Matagal na niya itong gusto at mukhang wala pa talaga siyang balak umamin. He's not as brave as Phi. Naduduwag siya palagi kay Lisse lalo na't sobrang protective ng ama nito.
"Lisse naman eh, pakinggan mo naman ako."
Inilapag naman ni Lisse ang libro saka tiningnan siya. Pinigilan ni Aki ang ngiti na gustong sumilay sa labi niya dahil sa ganda ni Lisse. Plus, ang lapit-lapit lang nila sa isa't-isa kaya kitang-kita niya kung gaano siya ka-perfect sa paningin niya.
"Wala ka bang napapansin mula sa dalawang yan?" pagtuturo ni Aki kina Kenji at Phi na naghahabulan sa library. The librarian was out for a minute or so kaya sila nalang ang inatasang magbantay dito.
Lisse shrugged. The truth is, yan din ang tinanong niya sa kakambal ni Aki. Aminado siyang nagseselos siya sa dalawa pero magaling siyang magtago ng emosyon. "Wala. They're just being bestfriends, yun lang." sagot ni Lisse kaya tumango naman si Aki. Napaisip ang binata, 'Kung sabagay, normal lang naman ata sa kanila yan'.
But inside of him, naguguluhan parin siya. Posible kayang may namumuo nang kakaiba sa dalawa?
YOU ARE READING
√ | shake, bend and break
Short Story❝among these three stages of getting into a heartbreak, where do you belong?❞ DADDY JISUNG BOOK TWO [COMPLETED] started : june 11, 2018 ended : june 25, 2018