narration
"KUYAAAA!" sigaw ni Jilian nang nakababa na siya ng yacht. Sumunod naman si Haerin na dali-daling tumakbo papunta sa dagat. Gusto talaga ni Haerin ang dagat. How to be a dagat? "Ingay mo bubwit." saway ni Kenji nang makalapit na sila. Dala na nila ang kanilang bagahe and they're going inside to place it there.
"Hey brother earth! Aren't you gonna make hug and bati your beautiful little sister?" ani ni Haerin saka nginitian ng pagkatamis-tamis si Minhyuk. Napangiwi naman ang binata. "Ew." tanging sagot niya.
Nilapitan naman siya ni Phi saka nakipagkamustahan. Yung iba naman, nasa yacht pa. Pagbaba nila, nakita naman ni Minhyuk kung paano lumingkis si Thea kay Kenji. Then he eyed to Jilian and Haerin then he smirked.
Naguguluhan na tiningnan ni Jilian ang babaeng nakahawak sa braso ng kuya niya. Si Haerin naman, ganun din pero nakataas ang kilay.
"Kuyaaaa! Tara ligo tayo ng dagat!" ani ni Jilian saka hinila si Kenji papalayo sa babae ngunit mas hinigpitan naman ni Thea ang pagkapit. "Ehem, at sino ka naman?" tanong ni Jilian kay Thea. "Thea Yoo, school's cheerleader."
'Luh cheerleader na pala type ni Kuya ngayon? Ship ko pa naman sila ni Ate Lisse' napaisip si Jilian.
"Hi Ate Thea, pwede ko namang kunin si kuya diba? May pag-uusapan kasi kami eh." tiningnan ni Thea si Jilian, then si Kenji tapos bumitaw na. Ngumiti naman si Jilian pagkatapos ay hinila si Kenji papunta sa malayo. Hindi naman masyadong malayo, sapat lang para hindi marinig ni Thea ang pag-uusapan nila.
"Nililigawan mo ba yun kuya? Kasi kung oo, okay lang sa kaniya ang lumingkis sayo. Kung hindi, so kaibigan mo lang yun?"
Hindi maiwasan ni Kenji ang pagtawa dahil sa kapatid niya. Naunahan pa siyang sumagot. "Kaibigan ko lang yun. Nililigawan kasi yun ni Minhyuk." sagot ni Kenji. "Eh bakit hindi siya nakadikit kay kuya Minhyuk?" tanong ni Jilian. Napaisip siya, tama nga naman. Napansin niya na these past few days, hindi na sila nag-uusap eh diba nga binigyan si Minhyuk ng second chance? Anyare sa second chance?
"Ewan ko rin, Jilian." tanging nasagot ni Kenji saka tipid na ngumiti. He's confused.
YOU ARE READING
√ | shake, bend and break
Historia Corta❝among these three stages of getting into a heartbreak, where do you belong?❞ DADDY JISUNG BOOK TWO [COMPLETED] started : june 11, 2018 ended : june 25, 2018