f o u r t e e n

428 28 27
                                    

narration

"Miss Huang, can I have your attention please?"

Natauhan naman si Lisse sa narinig. She looked up to see her professor and the eyes of her classmates directly staring at her. Kanina pa siya lutang sa klase dahil sa nangyari kahapon. Hindi yata maalis si Kenji buong magdamag sa isipan niya that caused her to sleep late. Isa pa, kinakabahan rin siya kasi anytime, pwede siyang ipatawag sa student disiplinary office dahil sa pagcucutting niya.

"Y-Yes Maam?"

"Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" tanong ng professor niya. Mabilis itong umiling. "Hindi naman po." sagot niya. Tumango lang ang professor saka sinabihan siya na makinig sa susunod. Nagpapasalamat siya sa mga langit at hindi siya pinagalitan o kaya naman ay pinalabas.

Naramdaman niyang may tumama sa may bandang kanan niya. It's a crumpled paper. Tiningnan niya naman kung ano ang laman nito.

Okay ka lang ba? Baka gusto mong pumunta sa clinic, sasamahan kita.

- Guess who

Kumunot naman ang noo niya. 'Aba, ang lakas naman ng loob niyang hagisan ako ng papel tapos hindi naman magpapakilala' napaisip si Lisse. Inilibot niya ang kaniyang tingin sa buong klase, pero silang lahat ay tutok na tutok sa lectures ng kanilang professor.

She crumpled it back saka inilagay sa loob ng bag niya. Maya-maya pa, natapos narin ang klase. Their professor unfortunately had a very important meeting today with the supreme student council kaya maagang natapos ang boring na klaseng ito.

"Tara Lisse, gutom na akoooo!" Phi whined like a little kid habang si Tami naman ay tinatawanan lang ang kaibigan. Tumango lang ito saka sinamahan ang dalawa na lumabas ng classroom at puntahan sina Kenji, Aki at Minhyuk. Hindi kasi sila magkakaklase. The girls chose ABM as their strand kasi gusto nilang magkakasama sila sa isang classroom. Besides, kinakaya naman nila eh.

Si Kenji at Aki naman, ay sa STEM while si Minhyuk naman ay nasa HUMMS.

Nakita na nila sina Kenji at Aki na nasa labas na ng classroom habang nakasandal lang sa pader. Ang kaibahan lang nilang dalawa, si Kenji ay wala lang imik habang si Aki naman ay busy sa pakikipag-usap sa mga babae. Tami rolled her eyes at the sight of her twin, 'Playboy'.

Minsan nga naiisip ni Tami na manang-mana talaga si Aki sa ama niyang si Jeno. Parehong habulin, ika nga ni Jaemin. Naalala niya tuloy nung may nagpunta na babae sa bahay nila, claiming na nabuntis siya ni Aki. Para ngang bulkan si Jaemin non eh. Natawa nalang siya sa ala-alang yon. Nang makalapit sila, natigilan naman sa paguusap ang babae at si Aki dahil sa sama ng tingin ni Tami sa kanila. "Kanina pa ba kayo nakalabas?" tanong ni Tami without leaving her gaze to the girl her twin brother was talking with. "Oo?" patanong na sagot ni Kenji because he's actually sensing what's going to happen.

Mukhang nahalata naman ng babae ang binabalak ni Tami kaya nginitian niya ito. Ngumiti din naman si Tami, sarcastically. "You wanna come join us? Sa cafeteria ang punta namin. Baka kasi naputol ko yung conversation ninyo ng kakambal ko."

"Actually hindi na. We have plently of time to talk, right Aki?" malanding sabi ng babae kaya kumunot ang noo ni Phi. "Masusuka yata ako sa mukha niya." bulong niya kay Kenji kaya tumawa ito. "Sure. See you when I see you, Flora." Aki winked at the girl. "It's Fiona." pagtatama ng babae. "He doesn't care. Now get going." sabi naman ni Tami saka hinila si Aki at naglakad na papunta sa cafeteria.

"Baksu Tami, sinayang mo na naman muli ang pagkakataon kong magka-girlfriend."

"More like fling." as a matter of fact, tama si Tami. Walang sineseryosong babae si Aki, or little did she know. "Marami pa naman babae. Pero sa ngayon, gutom na ako kaya sinong gustong umorder?" mukhang wala namang sumagot kaya sa huli, si Aki nalang ang tumayo para bumili ng pagkain.

"Hala, nakalimutan natin si Minhyuk!" narinig nilang sabi ni Lisse. "Nah don't worry. He's fine." sagot ni Kenji. Tumango naman si Tami. "Yeah, In fact nandoon siya oh." ngumuso si Tami papunta sa direksyon kung nasaan si Minhyuk at dali-dali nila itong nilingon.

'Magkasama pala sila ni Thea' sambit ni Phi sa isip. Natulala naman si Kenji sa kanila. Ang sweet nilang tingnan. Aminado siyang nagmumukha na talaga silang totoong couple, thanks to him. Ang hindi lang alam ni Kenji ay kung paano magrereact. Magiging masaya ba kasi nakatulong siya o magiging malungkot ba kasi harap-harapan niyang nakita yon. He doesn't even know, at wala siyang balak alamin pa.

On the other hand, Lisse looked at Kenji with worry habang si Phi naman, katulad ni Kenji ay mangingiyak na sa nakita. Si Tami at Aki? Nagkatinginan lang.





√ | shake, bend and breakWhere stories live. Discover now