narration
"Hoy ang aga pa! Ano ba kasing naisip mo at pinuntahan mo pa ako dito?" litanya ni Lisse nang makalabas siya ng bahay. Mahina namang tumawa si Kenji saka inakbayan ang kaibigan. "Trip ko lang Mader Lisse. Bawal ba?" sagot ni Kenji. Nakangiting tiningnan ni Lisse ang kamay ni Kenji na nakapatong sa balikat niya. 'Kung panaginip to, wag niyo na akong gisingin ha' isip ni Lisse. She's having a hard time containing her emotions lalo na't ang lalaking gusto niya ay naka-akbay ngayon sa kaniya.
Ganiyan talaga kapag inlove noh? Mga simpleng gestures lang, kinikilig ka na. Parang malaking bagay na yun sayo.
Habang naglalakad, nanantiling nakaakbay si Kenji kay Lisse. "So, nag-usap na ba kayo ni Minhyuk?" tanong ni Lisse kay Kenji. Umiling ito bilang sagot. Sa totoo lang, wala siyang planong kausapin ito. Ayaw niyang manakit ng tao, ayaw niyang masaktan si Phi. He made a promise na ilakad ito kay Minhyuk. Ayaw niya ring saktan ang sarili niya. So he thought, why not give Lisse a try? Nalaman na niyang may gusto pala si Lisse sa kaniya at wala namang masama kung susubukan diba?
"May tanong ako." ani ni Kenji kaya mabilis siyang nilingon ni Lisse. She motioned him to continue and so he did. "Kailangan ba talagang mag give way para sa ibang tao? Kahit alam mong masasaktan ka?"
Napaisip si Lisse, "Kung alam mong ikasasaya nila yun, then go. Minsan talaga, kailangan mong magsakripisyo para sa iba."
Ngumiti lang si Kenji saka ibinaling ang tingin sa papalapit na sunrise. Si Lisse? Napaisip siya ulit. 'Mas gusto ko yung sunset kesa sa sunrise'.
After that, she remembered Aki.
YOU ARE READING
√ | shake, bend and break
Short Story❝among these three stages of getting into a heartbreak, where do you belong?❞ DADDY JISUNG BOOK TWO [COMPLETED] started : june 11, 2018 ended : june 25, 2018