narration (flashback)
Masayang naglalaro sina Minhyuk at Kenji sa mini playground ng bahay nina Mark at Haechan. Birthday kasi ni Mark at nagdesisyon ang mag-asawa na magpaparty. Dumating din ang barkada ng kanilang mga magulang, dala-dala narin ang anak nila at dahil sa kasungitan ni Minhyuk, pumunta nalang silang dalawa ni Kenji sa playground.
Minhyuk doesn't want to mingle with his parent's friend's child. Hindi siya friendly, di tulad ni Kenji na sobrang palangiti at mabilis nakakakuha ng kaibigan.
"Minhyuk naman eh, nakakabagot na dito. Pwedeng makipag-kaibigan nalang tayo?" ani ni Kenji nang makaupo na siya sa tabi ni Minhyuk. The other just sighed. "Yeah, i'm bored. Let's go inside." dahil dun, napangiti si Kenji saka niyakap si Minhyuk. The kid stiffened on what Kenji did pero hindi niya inasahan na yayakap pala siya pabalik. "Alam kong kinakabahan ka lang pero magiging okay din yan." sabi ni Kenji saka humiwalay sa pagyakap kay Minhyuk.
Since then, Minhyuk treasured Kenji the most. Siya lang ang nakakaintindi sa ugali niya kaya nagpapasalamat siya sa Panginoon na nagkakilala silang dalawa.
---
Ngayon, papunta na sina Kenji at Minhyuk sa camping site nina Jeno at Jaemin. Hindi sana sila sasama kung hindi dahil kay Renjun. Siya kasi ang nagpumilit sa mga magulang ni Kenji at Minhyuk. As they got out from their car, may nakita silang apat na bata, three girls and one boy.
Ngumiti naman ang isang babae sa kanila. "Hello! Ikaw yung anak ni Tito Chenchen at Sungsung diba?" tanong ng batang babae kay Kenji. Ngumiti naman ang bata. "Oo, hello! Nice too meet you!"
"I'm Sophie, ikaw?"
"Ako si Kenji, at ito naman si Minhyuk."
Nanatili lang poker-faced si Minhyuk kaya natakot si Sophie dito. "Bakit ang sungit mo?" tanong naman ng isang babae.
"None of your business."
Siniko naman ni Kenji ang katabi. "Ako nga pala si Lisse! Ito si Tami at si Aki. Kambal sila."
Nginitian naman silang lahat ni Kenji. Lisse stared at the boy for a moment at naramdaman niya ang pagtambol ng puso niya dahil sa ngiti ng bata. "Ang mabuti pa, pumunta na tayo doon. Baka hinahanap na tayo nina Papa." ani ni Aki kaya sumang-ayon ang lahat.
---
The six instantly get along with each other. Parang may invisible string na nakatali sa mga kamay nila na nagkokonekta sa kanila. They laughed together, they played together, they did everything together.
"Huy Aki! Ang daya mo! Ikaw kaya ang taya!" pagrereklamo ni Sophie pagkatapos nilang mag bato-bato pik. Pumipili kasi sila ng taya para sa taya-tayaan nila.
"Papel kaya yung sakin tapos bato yung sayo. Madaya ka!"
"Sige na nga! Play!" pagkasambit ni Sophie non, nagsimula na silang magtakbuhan, natatakot na maging taya.
The game started off really exciting hanggang sa nakita nila ang unti-unting panghihina ni Sophie. Akala ng magkakaibigan na akting lang iyon para may pumalit sa kaniya bilang taya pero naramdaman ni Lisse na hindi iyon palabas lang.
Nilapitan naman niya ang kaibigan at nakita itong nahihirapang huminga. "Tulungan niyo ako! Dalhin natin siya sa treehouse!" and they did.
Hindi nila alam na hikain pala si Sophie. Nakaramdam ng guilt si Aki sa nagawa. Sana siya nalang daw ang naging taya at hindi nalang si Sophie.
Nang naging maayos na ang kondisyon niya, niyakap kaagad siya ng mga ito. And that's when Minhyuk and the others treasured each other like diamonds. Diamonds are hard to break, and he hopes that their friendship will be also.
YOU ARE READING
√ | shake, bend and break
Historia Corta❝among these three stages of getting into a heartbreak, where do you belong?❞ DADDY JISUNG BOOK TWO [COMPLETED] started : june 11, 2018 ended : june 25, 2018