HINUBAD ni Troy ang suot na jacket at ibinalot sa katawan ni Valerie.
“O sige na, hindi ko bibilisan at mag-iingat ako.” Ani Troy at hinawakan ang ulo niya.
Somehow, when Troy starts to show gentleness, her heart starts to throb. Sa loob-loob niya ay hindi niya matanggap ang katotohanan na bagama’t pinapakita ni Troy na concern ito sa kanya ay hindi nito siya kayang magustohan bilang isang babae.
At iyon ang dahilan kung bakit niya pinapakitunguhan ito ng hindi maganda, upang mapagtakpan ang totoong nararamdaman niya at layuan na siya nito dahil gusto na niyang mawala na ito sa puso niya at dahil nahihirapan ang kalooban niya tuwing nasa malapit ito.
Pero lagi nalang itong sumusulpot kung kailan siya malungkot at nag-iisa, tulad na naman ngayon.
0-0
NAPAPIKIT si Valerie, lumulusot kasi sa suot niyang helmet ang hangin.
Nang biglang huminto ang motorsiklo ay hindi napaghandaan iyon ni Valerie kaya hindi siya nakatukod sa likuran ni Troy at napasubsob siya sa likod nito.
Ramdam niya ang init ng likod nito at hindi niya napigilan ang pamulahan ng mukha.
“What the! Why would you stop so suddenly?!” she couldn’t help but yell as she distanced once more.
“I do follow the traffic lights, just so you know.” He replied. Huminto sila sa gitna ng kalsada dahil sa red light. “And what’s up with your hands?”
Lumingon si Troy. Ang mga kamay kasi niya ay nakahawak sa upuan sa bakanteng parte sa harap niya sa pagitan nilang dalawa.
“And what’s up with the gap? You’re gonna fall if you’re not gonna hold tight!”
Kinuha nito ang dalawa niyang kamay at hinila siya palapit sa katawan nito.
Troy placed her hands around his tummy.
Heat crept to Valerie’s face. It looks like she was intimately hugging Troy from the back.
Huminto sila sa isang tapat ng isang nakakatuwang building. Napaka-makulay kasi ng building na iyon at napanganga talaga siya nang mabasa ang pangalan ng establisyimento.
“Neverland…” basa ni Valerie sa banner.
“It’s like a mini amusement park and you’ll see different kinds of attractions and rides inside… all for the kids and of course, the kids at heart.” Nilingon siya nito at nginitian. Tiningnan nito ang relo nito. “Come on in or we’ll miss the presentation.” Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya na siya papasok sa loob.
Isang man-made forest ang bumungad sa kanya, pero sa detalye nito ay mapagkakamalan mo itong totoo. Sa pinakadulo ay may malaking pirate ship kung saan naroon ang attraction ni Captain Hook na nasa gitna ng pool.
Para nga talaga silang nasa Neverland. Pakiramdam niya ay pumasok siya sa ibang dimension.
Maraming mga bata ang naroroon at bakas ang tuwa sa mga mukha nila.
“Wow, hindi ko alam na meron palang ganito dito.” Bulalas ni Valerie habang sinusuyod parin ng paningin ang lugar. Napupuno ng background music ng OST ng Peter Pan at ng mga boses at tawanan ng mga bata ang paligid.
Hindi nakalagpas sa paningin ni Troy ang ngiting sumilay sa mga labi ni Valerie at ang kinang ng mga mata nito. Nagtagumpay siyang mapangiti ito ulit.
“Dito tayo…” muling hinila ni Troy si Valerie at may pinasukan silang isang hall. Inabutan nilang kakaumpisa pa lang ng palabas ni Peter Pan.
BINABASA MO ANG
The Queen Bee- COMPLETE
Teen FictionValerie Montez is probably one of the most envied girl you'll ever meet. She's beautiful, famous, a trend-setter, a leader, influential, intelligent and everything else you can never be. 'Perfect girl' ang tingin ng iba sa kanya. Subalit sa likod ng...