Chapter 10

1.6K 46 1
                                    

SA galit ay mabilis na pumulot ng isang worm si Valerie at napapikit nang sa pag-nguya niya ay sumabog ang juice o malamang mga laman ng worm sa bibig niya.

Hindi na niya namalayan na tumulo na ang kanyang mga luha. Subalit sigurado siya hindi iyon dahil sa kinakain niya kundi dahil sa kaalamang muli na naman siyang naagawan ni Calliope. Magkahalong galit at determinasyon na ang kanyang nararamdaman.

Naalalang muli ni Valerie ang natanggap na threat-letter.

BECAREFUL V… YOU MIGHT WAKE UP ONE DAY AND YOUR MOST IMPORTANT POSSESIONS ARE GONE…

Mas lalong hindi na siya pwedeng matalo ngayon hindi lang dahil magiging kahiya-hiya siya at matatalo siya ni Calliope kundi dahil sa kanilang deal.

Paniguradong ang wish nito ay ang kanyang trono o baka hilingin nito na umalis siya ng Dalton.

Sigurado na talaga siya na si Calliope ang sumasabotahe sa kanya para mapahiya at matalo siya. Pero hindi niya ito hahayaang magtagumpay ng ganoon nalang.

Nagulat man si Troy sa bilis ni Valerie na maubos ang worms nito ay nahabag naman siya dahil alam niyang mahirap iyon para sa dalaga. Inabot ni Troy ang mineral water at binuksan saka iniabot kay Valerie.

“Finish it up.”

Marahas na kinuha ni Valerie sa kamay ni Troy ang bottled water kasabay ang isang irap at ininom iyon. May natira pang kalahati iyon nang ilapag niya sa mesa para makaalis na sila nang kuhanin iyon ni Troy at ininom ang natirang tubig.

Muling gumapang ang init sa mukha ni Valerie sa indirect kiss nila ni Troy ay dagli din niyang kinastigo ang sarili.

“Gross ka talaga! Dalawa naman ang tubig ‘yun pa ang ininom mo!” anya na nilangkapan ng inis ang tono.

“I told you to finish it up but you didn’t and I’m not wasting water.” Anito at mabilis na kinalas ang kanilang pagkakatali saka kinuha ang susunod nilang card.

The next two stop were easy because they’ve managed to get through them.

On their last station ay napunta sila sa mini-forest at inuna muna nila ang tanong.

“The world swimming association is called the Federation Internationale de Natation Amateur or FINA, which is a french name for the International Swimming Organization. Now the question is... What is the organization's motto?" tanong ng lalake. 

Isang matagumpay na ngiti ang namutawi sa mga labini Valerie.

“It’s ‘Water is our World’…” sagot niya.

Hindi na niya hinintay na sabihin pa ng lalake na tama siya. Kaagad niyang kinuha ang red flag sa mesa at idiniin sa dibdib ni Troy.

“There, eat your flag!” at kaagad itong nilagpasan.

The moment she turned her back on him, her tears began to flow.

I hate you Troy. Nangako ka na poprotektahan mo ako pero ikaw naman ang nananakit sa akin… Bakit hindi mo ako kayang mahalin? At ang masakit pa, alam mo na kinamumuhian ko ang babaeng ‘yon! Bakit siya pa?!

 0-0

MATAPOS kainin ang mga pinamili na pagkain nina Rika at ng iba ay lumabas na silang lima para mag-swimming.

Today is a free day for all the participants who made it to the top six. At sa dismaya ni Valerie ay napasali pa talaga sa top six ang dalawang sobrang kinaiinisan niya, sina Lexi at Calliope.

Ngayong gabi ang party at ang annunciation ng grand winners which will be a girl and a boy.

Nakasunod sa kanya ang kanyang mga alagad at papunta na sila sa pool nang may tumawag kay Valerie.

The Queen Bee- COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon