“WHY don’t you try borrowing money from other companies? Diba maraming lending investors ngayon?”
Nilingon ni Troy ang kaibigan, “You think I haven’t tried that?” at lumapit rito. “Alam mo ba yung feeling na maging black-listed?” tanong niya.
Nakuha naman kaagad ni Dexter ang nais ipahiwatig ng tanong na iyon ni Troy.
“Ibig mo’ng sabihin walang nagpapautang sa inyo dahil sa Tito mo?” nanlaki ang mga mata ni Dexter.
“I don’t know how he does it, but things like that aren’t impossible for him.” Ani Troy at inihagis ang bola saka umungol ng nakayukom ng mahigpit ang mga kamao.
Itinukod ni Troy ang dalawang kamay sa magkabilang tuhod na para bang nanghihina sa tindi ng galit na nararamdaman.
Ramdam ni Dexter ang galit ng kaibigan at tinapik niya ang likuran nito. Magsasalita na lang sana siya nang may makita siyang papalapit sa kanila.
“Ah Troy… queen-of-your-heart nine o’clock.”
Nang rumehistro sa utak ni Troy ang sinabing iyon ni Dexter ay kaagad niyang itinaas ang paningin.
0-0
BITBIT ang flyer ng contest sa kanilang resort ay nilapitan ni Valerie si Troy.
“Sige, una na ako bro. Tungkol dun, hahanap tayo ng solusyon.”
Tumango lamang si Troy nang magpaalam na ang kaibigan.
Nginitian si Valerie ni Dexter. “Hi Val.” Bati nito nang magkasalubong sila.
Isang tipid na ngiti lang ang isinukli ni Valerie at madaling binaling ang mga mata kay Troy at ibinigay dito ang kanyang matamis na ngiti.
Nakapagdesisyon na siyang ipaglalaban niya ang taong tanging nakakaintindi lamang sa kanya at kung kaibigan lang talaga ang tingin nito sa kanya ay handa siyang maghintay at paibigin ito sa abot ng makakaya niya.
I have to be positive! I can do this!
“Troy!” tawag niya rito at hindi naitago ng tono niya ang excitement.
Umatras si Troy nang makalapit si Valerie. Pinakatitigan nito ang kanyang mukha na para bang sinisiguro kung siya nga talaga si Valerie.
“Totoo ba ‘to? Unang lumapit sa akin ang Queen?” tanong nito.
Pinaikot ni Valerie ang mga mata.
“Well, one thing is for sure. You’re not dreaming!” aniya na ikinatawa ni Troy.
Iwinagayway ni Valerie ang flyer sa kamay at matapos ay ibinigay rito na kaagad naman nitong tinanggap at binasa.
“Wala ka namang gagawin ngayong summer diba? Hindi ka naman siguro mag-aabroad or magbabakasyon out of town?” nananantiyang tanong ni Valerie.
“No,” nakakunot-noong sagot ni Troy na nahahalata na, na merong tinutumbok si Valerie.
“Good! Kasi kasali ka dyan.” Turo ni Valerie sa flyer.
Muling binaling ni Troy ang paningin sa hawak na flyer na kanina ay pinasadahan lang ng tingin ang title.
“No, hindi man ako mag-aabroad or magbabakasyon out of town ay marami akong gagawin. Unlike you, I have no time to be resting this summer.” Pagtanggi ni Troy at muling ibinalik ang flyer kay Valerie.
“Pero gusto kitang makasama dyan Troy. We’ll win together.” Ani Valerie na naglakas-loob tumingin sa mga mata ni Troy. At nang mukhang hindi parin kumbinsido si Troy ay kinuha ni Valerie ang isang kamay nito. “Please?”
BINABASA MO ANG
The Queen Bee- COMPLETE
Teen FictionValerie Montez is probably one of the most envied girl you'll ever meet. She's beautiful, famous, a trend-setter, a leader, influential, intelligent and everything else you can never be. 'Perfect girl' ang tingin ng iba sa kanya. Subalit sa likod ng...