WALANG sinalihan na kahit na ano si Valerie na hindi niya pinanalunan.
Hindi siya ang tipo na kapag nagdesisyon siya na gawin ang isang bagay ay gagawin niya iyon ng hindi inaasahang magtatagumpay o mananalo siya. She doesn’t do things half-hearted, she gives her all… and she does end up winning.
Minsan naman kung alam niyang dehado na siya ay hindi parin siya nagpapatalo. Gumagawa siya ng paraan upang manalo anuman ang mangyari kahit pa kailangan niyang lumaban ng hindi patas.
She gets rid of her enemies in every possible way she can.
But with this fight, I want to do it fairly because only in this fight I know that I will win without having to sabotage theses lowlives.
Nang makalabas ng locker room ay kaagad na nakita ni Valerie si Troy na nakatingin din sa kanya. Tumango siya at nginitian ito na ginantihan naman nito.
Kamuntikan pa siyang mamagneto ng perfectly toned nitong katawan. With his beautiful face and his muscles on their perfect places hindi nakaligtas sa paningin ni Valerie ang mga sulyap na binibigay rito ng ilang mga kababaihan na kasali rin sa contest.
Subalit kinailangan na nilang mag-line up.
Pinasadahan ni Valerie ng nag-uuyam na tingin at nakakaasar na ngiti ang mga babaeng kakumpitensya niya.
Hindi niya maintindihan kung ano ang isinali ng iba dahil ang papayat nila at parang hindi athletic kaya for sure ay maaga pa lang malalagas na ang pinakamahina.
The contest is a no ordinary one. It’s not just all about the looks; it involves physical fitness and a sharp mind.
Valerie is not a fan of the skinny peeps. Hindi sexy para sa kanya at alam niya na para rin sa marami ang mga payat na payat na babae, and it doesn’t even look healthy.
Compared to all the other thin girls in this competition, she is confident that she is the sexiest. She is perfectly toned as well, thanks to her specially built gym at home.
Matapos na magpakilala ang kanilang magiging trainor na si Captain Pineda at kaunting briefing na tila ba nasa isang military camp sila, he even warned them na bukod sa pisikalan ay magagamit din ang lahat ng klase ng abilidad na meroon sila; kung meron man. Pagkatapos ay bigla nalang silang inutusan na mag push-up.
Push-ups are okay… but the thing is its 50! She can only accomplish 15 and she is already struggling at 25! But then she managed to do it; this time almost losing her poise.
After some more exercises ay sinabi nan i Captain Pineda ang kanilang first test which is a swimming challenge.
The goal is to swim up to the other end of the pool and back with a flag. Meroon lamang labinlimang flags at dalawampu ang bilang ng mga partisipante. Lima kaagad ang malalagas.
But it wasn’t as easy as that, pinaliguan muna silang lahat ng sobrang lamig na tubig na kulang nalang ay manigas ang katawan niya at magyelo sa ginaw.
Subalit kailangan na makakuha siya ng flag.
Nilingon ni Valerie si Calliope at napangiti. Alam niyang hirap sa swimming si Calliope.
Nang muling tumunog ang pito ay mabilis siyang tumakbo at tumalon sa pool.
Noon ay hindi talaga siya naliligo sa mga public pools, pero after the incident from that one fateful night with Troy ay naging bestfriend na niya ang swimming pool mapa-private o public pool man iyon.
She’s not the fastest swimmer, but she made it.
She made it before Calliope and chuckled when she almost did not make it but shook her head when she managed to reach for the last flag.
BINABASA MO ANG
The Queen Bee- COMPLETE
Teen FictionValerie Montez is probably one of the most envied girl you'll ever meet. She's beautiful, famous, a trend-setter, a leader, influential, intelligent and everything else you can never be. 'Perfect girl' ang tingin ng iba sa kanya. Subalit sa likod ng...