Chapter 9

1.3K 31 1
                                    

THIS SUMMER, YOUR REIGN IS GOING TO END. YOUR DARK SECRETS WILL BE REVEALED… YOU’LL BE HUMILIATED TO THE EXTENT THAT YOU WOULD WISH TO CHANGE FACES WITH A BABOON… WATCH OUT V… I’M COMING ALL-OUT…

Just an hour before their last challenge starts ay napansin ni Valerie ang sulat na iyon sa kanyang locker.

Mas lalong lumakas ang kanyang hinala na ang kanyang hater ay si Calliope. The circumstances just points to her. At lagi siyang nauuna sa locker room nila kaya there is a high chance that the lechon sauce that fell on Lexi was for her.

Lumabas na siya ng locker room nang makita si Ren na may kausap na isang lalake na naka-suit. Dadaan na lang siya nang marinig ang pangalan ng daddy niya.

“It’s happening right under Mr. Julius Montez’s nose. But he’s too blinded to see it, he was too trusting and if we don’t stop it now and expose them… the blame will be all put against the good old man.” Ani Ren.

Nagtago si Valerie sa likod ng rebulto ng mascot ng resort.

“We have to get to Mr. Montez asap! He went missing a couple of days ago. Nang i-track ko ang schedule niya ay hindi natuloy ang flight niya to Hongkong. At wala nang makapagsabi kung nasaan siya.” Sabi naman ng lalake.

Napasinghap si Valerie at natakpan niya ng mabilis ang bibig.

Daddy was kidnapped?!

“I talked to her daughter but she said they’re not in good terms. Probably not in speaking terms because she doesn’t seem to know that her dad did not went to Hongkong and may not know his location now.”

“Alright agent Ren. I’ll inform the others of your report. But keep an eye on the manager and the daughter. Baka biglang magkaroon ng impormasyon at kailangan natin yon.”

“Yes sir.”

Ilang sandali pa ay papalayong yabag na ng lalakeng kausap ni Ren ang narinig ni Valerie. Nang magkaroon siya ng pagkakataon ay mabilis na tinuhod ni Valerie si Ren pagkaharap nito sa kanyang direksyon.

“Ah!” sigaw ni Ren at napaluhod ito. “Are you trying to destroy my future?! I still want to have good looking childrens! Ahh!!” daing ni Ren na napapatalon-talon sa sakit. “What did I do to you…” hindi maipinta ang mukha nito.

“What are you planning to do to my daddy huh?! I knew it! You have a hidden agenda! You sicko!” pinaghahampas ni Valerie ang dibdib ni Ren.

Kaagad na hinuli ni Ren ang mga kamay ni Valerie. “Stop it! Listen to me first, will you?”

Galit at pag-aalala ang nakabadha sa mukha ni Valerie sa pagkakataong ito at iyon ay napansin ni Ren. At naintindihan niya ito kahit na papaano.

Tears started to course Valerie’s cheeks.

Kahit na hindi maganda ang samahan nila ng ama ngayon iyon ay dahil lamang sa kanyang sama ng loob dito. Pero hindi naman ibig sabihin na gugustohin niyang mapahamak ito dahil ama parin niya ito at mahal niya ito.

Naalala ni Valerie ang sinabi ni Ren sa kanya…

‘Every second of our lives is a privilege to take chances, but once our heart stops beating… the privilege for those chances ends too’

Ngayon lang niya lubos na naintindihan ang ibig sabihin ni Ren doon.

Nangangamba ngayon si Valerie na baka hindi na siya magkaroon ng pagkakataon na humingi ng tawad sa ama at sabihin dito na hindi naman talaga niya ito kinamumuhian.

She just let pride, jealousy and anger overrule her.

Natagpuan na lamang ni Valerie ang sarili na nakakulong sa mga bisig ni Ren habang pinatatahan siya nito at hinahaplos ang kanyang likod at siya ay patuloy sa paghikbi.

The Queen Bee- COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon