Chapter 7

1K 27 1
                                    

 KAAGAD na isinugod sa ospital si Valerie nang maramdaman niyang naninikip na ang kanyang dibdib. Doon ay tinanong siya kung ano ang kanyang kinain upang ma-trigger ang kanyang allergy.

Mayroon kasi siyang allergy sa mga mani, anumang klase iyon at talagang maingat siya sa mga kinakain at sa pagkain sa labas.

Subalit ang naalala lang niya ay wala siyang kinain talaga na kakaiba.

Then she remembered Haley’s face, laughing at her. Masakit iyong pagtawanan ka ng sarili mong best friend.

At naalala niya ang bottled water na binigay nito sa kanya.

Ipinaalam niya sa doktor na mayroong siyang ininom na mineral water at kanila iyong sinuri. Napag-alaman nga na mayroong peanut oil content ang tubig na iyon.

Alam ni Haley na may allergy siya sa mga mani. Hindi niya matanggap na sinabotahe siya ng kanyang matalik na kaibigan.

Matapos ang tatlong araw na pananatili sa ospital at nang makapasok sa eskwelahan ay kinompronta ni Valerie si Haley. Ipinapatawag ito ng kanyang mga magulang sa opisina ng principal pero nakiusap siya na kakausapin muna niya si Haley.

Napansin niya ang pag-iba ng pakikitungo nito sa kanya at ngayon ay mayroon narin itong ibang mga kaibigan na laging kasama.

“Oo! Ako ang naglagay ng peanut oil sa tubig. Kasi gusto ko na mapahiya ka at makaganti!” asik nito.

“Bakit mo ako gagantihan? What did I ever do to you para gusto mo akong balikan at pahiyain?” umiiyak niyang tanong.

“Tingin mo talaga kinaibigan kita dahil gusto ko?” tumawa ito. “I hated you the first time I met you. You were so full of yourself, porke mayaman ka halos lahat na ay tinitingala ka and you get things so easily… it was unfair. Tapos dahil lang ang kompanya nyo ang makakasalba sa negosyo namin ay kailangan ko daw na makipaglapit sayo para pautangin nyo kami.”

Napipi si Valerie sa sinabi nito.

Kaya pala gustong-gusto nito ang pumupunta sa bahay nila at lagi siya nitong inaaya na isama daw ang parents niya na magdinner sa bahay ng mga ito.

“H-hindi ba kayo pinautang ni daddy?” tanong niya.

Haley made a face. “Hindi na importante yon. Ngayon na wala ka nang pakinabang sa akin, tapos na tayo.”

Itinulak siya nito at iniwan.

Kinagabihan ay kinompronta ni Valerie ang ama at itinanong dito ang tungkol sa pamilya ni Haley.

He said that they lent them the money they asked for pero hindi pa nga nababayaran ang una ay muli na naman silang umuutang ng isang napakalaking halaga talaga na sa tingin ng kanyang ama ay hindi naman kayang bayaran ng kanilang kompanya. Until three months ago ay nagsara na ng tuluyan ang kompanya.

And Valerie realized they blamed them for it.

Nagpatuloy sa panghihiya sa kanya si Haley kasama ang mga kaibigan nito sa eskwelahan. Until one day a new girl came and saved her.

When Haley was about to attack her, the girl meddled and fought with Haley.

Ipinatawag sila sa principal’s office. All throughout the interrogations ay pinagtatanggol siya ng babae.

“I’m Calliope Montealegre, you can call me Calla…” pakilala nito gamit ang palakaibigan na ngiti. “A transferee…”

Tinanggap ni Valerie ang kamay na iyon at nakaramdam siya ng kakaibang koneksyon kaagad rito.

The Queen Bee- COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon