“NASA Hongkong ang daddy mo?” tanong ni Ren.
“Yeah… supposed to be… maybe.” wala sa sariling sagot ni Valerie at napabuntong hininga.
“Huh? Ano ba’ng klaseng sagot yan?”
Pinatirik ni Valerie ang mga mata. “I don’t know okay? We’re not in good terms.” At pinandilatan si Ren.
She can’t think and eat well dahil sa nangyari kagabi at sa nakita kanina, tapos ay nangungulit pa si Ren.
“Hmmm, that’s sad. But you really have to patch it up as soon as possible. Sabi nga nila diba, ‘every second of our lives is a privilege to take chances, but once our heart stops beating… the privilege for those chances ends too’… so dapat pagsikapan natin na wala tayong makasamaan ng loob lalo na pag mahal sa buhay para walang pagsisisi diba?” paliwanag ni Ren.
Diskompyadong tinitigan ni Valerie si Ren.
“Oh bakit? Na-touch ka ba sa sinabi ko?” he asked.
“Tell me… nalulugi na ba ang kompanya ninyo at uutang kayo sa daddy ko?” she bluntly asked.
Sandaling nagulat si Ren sa tanong ni Valerie pagkatapos ay natawa.
“Bakit? I thought Mr. Montez is an hotelier, di ko alam na pawnbroker na pala siya ngayon?”
Natawa nalang din si Valerie sa sinabi ni Ren.
“Well, feeling close ka kasi kaya naisip ko na baka tulad ng iba ay may hidden agenda ka din.” She explained.
Hindi nakita ni Valerie ang pagtabingi ng ngiti ni Ren dahil napalingon siya kay Captain Pineda na bigla na lamang sumulpot sa loob ng canteen.
“Attention slowpokes! This is breakfast not breakslow okay? So be fast! I’ll be counting to sixty for you to finish your food and bring your lazy butts on the open area for today’s training!” he commanded military-like and then started counting as he leaves the canteen.
Mabilis na nagsitayuan silang lahat.
Tatakbo nalang si Valerie nang hawakan ni Ren ang braso niya.
“Wait, your shoelace…” anito at kaagad siyang napayuko sa kanyang sapatos. Natanggal ang pagkakatali ng kanyang sintas.
Yuyuko nalang si Valerie upang itali ulit iyon nang mas mabilis na yumuko si Ren at ito na mismo ang nagtali noon.
“Thank you…” anya rito at nginitian ito.
“You’re welcome… let’s go!” aya ni Ren at magkasabay pa silang napasinghap nang makasalubong nila sina Troy at Calliope na mukhang nagulat din.
Naiyukom ni Valerie ang isa niyang kamao. Hindi niya nagustohan ang nakikita ngayon.
At kelan pa sila naging close? Kahit kailan talaga ang galing ng timing ng babaeng to!
“Saan pa kayo pupunta na dalawa? The captain is already counting... come on!” aya ni Ren na tumakbo na nga. Sinundan ni Valerie si Ren dahil hindi niya matiis ang tensyon sa kanilang tatlo.
Nang umagang iyon ay nagkaroon sila ulit ng mga exercises upang mapaghandaan umano nila ang susunod na challenge kung saan merong mae-eliminate na naman.
Muli na naman niyang nalingunan na may iba na namang lumalandi kay Troy, and this time it was Lexi Jimenez. Uminit tuloy ulit ang kanyang ulo.
Pagkatapos ng nakakapagod na exercise ay pakiramdam ni Valerie ay hapong-hapo ang katawan niya at ang gusto lang niya ay matulog na subalit biglang sinabi na pagkatapos ng isang oras na break ay tutuloy na sila sa kanilang pangalawang challenge.
BINABASA MO ANG
The Queen Bee- COMPLETE
Fiksi RemajaValerie Montez is probably one of the most envied girl you'll ever meet. She's beautiful, famous, a trend-setter, a leader, influential, intelligent and everything else you can never be. 'Perfect girl' ang tingin ng iba sa kanya. Subalit sa likod ng...