I N T R O D U C T I O N

15.2K 335 39
                                    

🌺My Playful Love🌺

Wala sa interes at isip ni Kisses ang magka-boyfriend dahil sa oras naman na sabihin niya na may anak na siya ay parang mga bulang naglalaho ang mga dyablo sa harap niya at nawawala ang mga iniaalok na pagsintang pururot ng mga 'yon. Sino nga ba naman ang magkakagusto sa isang babae na may anak na at wala namang maipagmamalaki sa buhay?

Itataya niya ang puso niya at kaluluwa kapag may isang lalaki na nagparamdam sa kanya ng tunay na interes dahil alam niyang wala na sa panahon ngayon ang gugusto sa kanya at mas gugusto sa anak niya. Sa praktikal na lalaki na maisip at makasarili ay walang makukuha ni katiting na interes na bumuhay ng bata na hindi naman galing sa similya noon, pero hindi ang isang Grieco Antonio de la Cueva na nakilala niya dahil sa katangahan nang mapadpad siya sa isang race school at para siyang suicidal na palaka na masasagasaan pa sana ng humaharurot na isang dilaw na Ferrari.

He showed her great interest and who will never gonna fall for a man as perfectly hot as a sin? Iyon lang ay playboy ang lalaki at maharot na sobra kaya duda siya kung seryoso ba iyon sa ipinakikita sa kanyang concern lalo na sa anak niya. At ang masakit na isipin ay kung hindi kayang tanggapin ng mundong kinalakihan ni Grieco ang estado niya sa buhay lalo na ang pagiging dalagang ina niya.

At mas lalo lang na gumulo ang lahat ng dumating ang tunay na ama ng anak niyang si Czarina,

. . . . . . . .

This is Dedicated to the birthday girl. Gift ko na. Hahaha. Love you Ritz. RitaVergara

ALL RIGHTS RESERVED
2018

My Playful Love✔️(Incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon