20-First Kiss

5.4K 530 93
                                    

Playful Love 20

Grieco Antonio casually stood and leaned on the jamb of the door, releasing a deep sigh. Namulsa siya matapos na sulayapan ang oras sa kanyang relos na suot at itinuon ang mga mata sa dalagang nakatalikod habang nakangiting nilalagyan ng laso ang buhok ng isang bata sa sanctuary. Naghahanda ang mga bata para sa misa maya-maya lang.

Ilang araw na ang lumipas at hindi sila nagkikita ni Kisses dahil lahat ng oras niya ay ibinigay na muna niya kina Candice at kay Axl kasama ng paghanap niya sa sarili. Kagabi ay sumalisi siya sa bar at as usual ay nagising na babae ang katabi niya. Nilayasan niya iyon kaagad matapos ang isa pang round, tapos ay umuwi siya sa bahay saka naligo at nagbihis.

He never heard something from Kisses after that day she and CK ate in their house. Wala itong ni isang text message sa kanya pero alam niya na araw-araw itong pumupunta sa opisina at naglilinis. Ang huling nilinis nito ay opisina raw niya sa race school.

Magiging busy na rin siya dahil may mga ilang racers siyang personal na iti-train pagkatapos ng wedding anniversary ng mga magulang niya kaya sumilip na siya sa sanctuary para personal na makasama ang mga bata sa misa at makita rin si Kisses na ang bilin niya kay Demi ay huwag papuntahin mag-isa roon kaya inihatid ng driver ng kumpanya niya.

He sighed again; staring at the woman who never left his mind these past few days. At times he's aching but he chose to ignore his lust. Kawawa ito kapag pinairal niya ang galawang Grieco Antonio sa babae, mababastos ito sigurado kaya mabuti na rin na dumistansya na muna siya ng ilang araw.

Pero nasaan ba siya ngayon?

Natiis siya nito na wala ni hoy ni hay pero natiis ba niya? He kept on monitoring her through Demi and he admits that he's getting insane. Iba na ang tama niya kay Kisses na ang huling araw na magkasama sila ay literal na parang naka-plaka at paulit-ulit na nagpa-flashback sa kukote niya; her simple smiles, her giggles, her frowning face and her cute sneers.

What the fuck has gotten into him?

Jesus! It must be admiration. He admires her--desires her. Kung magpapakita ba siya ng interes ay paniniwalaan nito?

Demmit! Bakit parang nakakatorpe yata ang pumorma sa isang bente uno anyos na dalagang ina? Mukhang mas mahirap pa itong pasagutin kaysa sa mga babaeng virgin sa paligid.

"Si Papa Pogi!" tili ng isang bata nang maramdaman ang presensya niya kaya napangiti siya nang sabay-sabay na magtakbuhan ang nasa kwarentang bata papunta sa kanya.

His eyes remained looking at Kisses and when she turned around to smile at him. Fuck! His heart congests and so as his balls.

She looks gorgeous. Mas maganda ito ngayon. Hindi ito nakauniporme pero naka-long sleeves na lace na kulay itim at suot ang itim na salamin. Kisses looks hot, so tempting in his very eye. Her face looks so relaxed unlike the very first day he saw her. Balisa ito noon at parang problemado sa buhay pero ngayon ay mukhang masaya ito at walang problema.

He's a part of that happiness and relaxed aura. He knew he did well and helped her good.

Thank fucking God he did. He had saved another tummy from growling.

"Hi kiddos!" saglit niyang inalis sa paningin niya ang dalaga at binalingan ang mga bata. "Papa Jesu is waiting inside the chapel. If you're done, hurry up now. Susunod ako ro'n."

"Magmi-misa ka, Papa Pogi?" Tanong ni Sarah sa kanya kaya tumango siya.

"Of course."

Naghiyawan ang mga iyon kaya lalong lumapad ang ngiti niya. Siya ang kasiyahan ng mga bata na iyon na minsan ay inalisan ng liwanag sa buhay pero pinilit niyang ibalik. Kapag may nagkakasakit at ayaw magpaswero ay nagpapakita siya kahit na sa video call lang noong nasa ibang bansa siya para sa karera niya. Para naman siyang may dalang magic na napapapayag ang mga ito at hindi na kailangan na paulit-ulit pa niyang pakiusapan. Malaki kasi ang tiwala sa kanya ng mga bata at ang tingin ng mga ito sa kanya ay superhero.

My Playful Love✔️(Incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon