Playful Love 8
“Hi Kisses!”
Agad na napatigil si Kisses sa paglalakad nang maulinigan ang boses ng transferee sa University. Isang linggo na ito sa unibersidad at simula nang magkabungguan sila sa may basketball court ay hindi na siya tinantanan ng lalaki.
He's Hade, a rich guy from de LaSalle University. Balita niya sa kaklase niyang si Hanna ay pinatalsik ang lalaki sa eskwelahan, pinatalsik ng sariling ama dahil sa ugaling taglay. His father is one of the many wealthy men who founded that exclusive school but Hade has a bad habit, a tantrum. That's what she heard. Simula nang malaman niya iyon ay umiwas siya sa lalaki. Wala rin siyang balak na makipagmabutihan dito kahit na noong nakaraang araw ay nalaman nito ang number niya sa hindi malamang paraan. Malalaman pa lang niya dahil papasok pa lang naman siya matapos ang tatlong araw na pag-absent dahil sa anak niya.
She decided to walk again and didn’t pay attention.
“Hey,” anito pa sa may gawing likuran niya saka hinawakan ang kanyang siko na kaagad naman niyang iwinaksi.
“Ano ba?” angil niya kaagad.
Itinaas ni Hade ang dalawang kamay sa ere saka ngumisi. Nabibwisit siya sa aura nitong parang kung sinong matinee idol kung maka-aura. Oo nga at pogi ito pero hindi naman ito ang nag-iisang pogi sa mundo.
“Easy. You’re so allergic.” Maangas na naglakad ang lalaki kasabay niya pero mas nilakihan ni Kisses ang mga hakbang.
Naiinis siya sa tuwing nakikita itong walang humpay sa pagkamay sa buhok na parang ibinabalik ang dekada setenta. Naiinis siya sa pagiging cool nito dahil halata naman niya na parte lang iyon ng kayabangan ni Hade. He has that sarcastic look ang oozing with ego. Iba itong pumorma at ibang kumilos. Para itong bata kung umasta at nabibwisit siya sa mga pasaring nito sa kanya, sa mga titig nitong parang isang dakilang manyakis.
“Hindi mo man lang ako ni-reply when I texted you. You should rejoice.” Ani Hade sa kanya.
Ano? Kaagad na bumagting ang tainga ng dalaga sa narinig. Ang kapal talaga. Sukat doon ay napatigil siya at hinarap ang lalaki.
“Hindi ako kasing babaw ng mga babaeng isang linggo ng nagkakandarapa sa'yo.” Duro niya sa pagmumukha nito.
Para itong isang lata na hindi tinablan ng salita niya. Ngumisi lang ang lalaki at tumingin sa mga labi niya. “I wonder what that beautiful mouth could do, Kisses.” Tila may halo na kahalayan ang tono ng boses ng lalaki na lalong nagpakulo sa dugo niya.
Ang saya-saya pa naman niya dahil may trabaho na siya at nakapag-advance na kaagad ng fifty thousand tapos hinarang naman siya ng isang balahura.
“It could kill.” She gritted her teeth and turned back.
“Then kill me.” Hade yells while chuckling. “Kill me in pleasure, baby!”
Hiyang-hiya siya sa mga estudyanteng nasa paligid nang magtinginan ang mga iyon sa kanya. Alam sa buong eskwelahan na dating GRO ang ate niya dahil doon din iyon nag-aral nang mapunta sa Maynila. Ipinagpapalit no'n ang katawan para magkaroon ng pang-tuition at makapag-aral. May ilang taga-Masbate rin ang naroon noon na inabot pa ang ate niya sa Polytechnic kaya kumalat ang balita na kapatid siya ng isang mababang uri ng babae. Hindi rin niya maialis sa isip ng karamihan na ganoon din siya pero binabalewala niya ang tsismis. Wala siyang pakialam dahil siya naman ang nakakaalam ng totoo, kung sino siya at ano siya. Hindi niya hinuhusgahan ang kapatid niya dahil naiintindihan niya ang naging sitwasyon niyon. Galing sila sa hirap at naghihirap pa rin. Kung wala ng makapitan, kakapit na sa patalim para mabuhay. Sumuko ang ate niya sa hamon ng buhay kaya ganoon ang napiling direksyon pero siya ay hindi. She’s trying her best to remain strong and find ways how earn money without trading her body.
BINABASA MO ANG
My Playful Love✔️(Incomplete)
Romance-A Single Mom and a Playboy Romance- Fate offered her a man, not just one but two. Ang isa ay ama ng anak ni Kisses at ang isa naman ay gustong magpakaama sa bata. Kung titimbangin niya ay mas matimbang ang laman ng puso pero mas matimbang doon ang...