Playful Love 33
“Mabuhay ang reyna ng kahandahan!”
“Mabuhay!”
Kisses smiled as she remembered Demi and all Eco's employees. Iyon ang tukso sa kanya ng mga iyon kanina nang pumasok siya sa opisina para maglinis at sa mga sandaling iyon naman na papaalis na siya ay wala pa ring pagkakaiba ang tingin at ngisi ng mga iyon.
“So, Miss Rapuzel haba ng hair, ano na ang real score sa iyo at sa aming poging-pogi na boss?” pumangalumbaba si Demi at kanya-kanya namang lapitan ang iba pang mga kababaihan sa mesa.
Parang sa isang iglap ay pinutakti na ang mesa ni Demi ng mga bubuyog.
The people's eyes are twinkling and she's happpy seeing how those people react about the rumored romance of her and Eco's. Clearly, her friends aren't judging her, critizising for being thier sexy and handsome boss’ newest apple of the eye or maybe…flavor of the month?
“W-Wala naman.” kandautal na sagot niya sabay kamot sa ulo kasi naiilang siya sa mga ganoong bagay. “Baka naman lilipas din iyon, ano. Huwag nga kayong assuming na magtatagal.” nakabusangot na dugtong niya.
Hindi naman talaga siya umaasa kahit na ba sa pakiramdam niya ay may parte na rin sa damdamin niya ang nauukupa ni Eco. Hindi iyon mahirap na magustuhan kasi sobrang bait na tao at napakalambing, kaya lang iisa lang ang puso niya at mahirap na isugal pa. Oo, duwag na kung duwag at mahirap na intindihin ang kalagayan niya para sa mga taong may kakaibang tapang sa pakikipagrelasyon pero sino ba ang masasaktan? Siya naman.
“Bruha ka, hindi mo siya kilala at ang babae na pa-charmingan niya sa loob ng isang buong maghapon ay matagal na.” ani Demi sa kanya kaya halos lumuwa ang mga mata niya.
Matagal na ba ‘yon? Isang buong maghapon lang ay matagal na para sa mga ito?
“Maghapon?” takang ulit ng dalaga na sabay-sabay na tinanguan ng mga kaharap niya.
“Maghapon, as in. Hindi kami nagkakamali lang. Ang building na ito ay mag-ooperate na ng matagal at umuuwi si Sir Ecs rito at naglalagi ng mga dalawang linggo o isang buwan. Pinupuntahan siya rito ng mga babae niya at araw-araw ‘yon iba-iba.” anaman ni Monina.
“A-Ano? H-Hindi ba siya nagkakasakit?” halos mapangiwi siya sa kaisipan na iyon pero naghagikhikan lang ang mga babae.
“Hindi naman siguro kasi wala naman nga siyang nabubuntis.” agarang sagot ni Demi. “Kaya nasasabi namin na seryoso siya sa'yo dahil ilang linggo na yata siyang nagpapansin kaya lang parang ayaw mo sa kanya. Ayaw mo ba?” sumimangot ang balyena, este sekretarya at parang nalungkot pa.
Ano ba ang mga babaeng kaharap niya at mga tsismosa? Uuwi na nga siya dahil wala pa naman silang klase tapos ay na-interview pa siya na parang celebrity na nasa hot seat.
“H-Hindi naman sa ayaw kaya lang si Grieco siya at si Kisses lang ako. Alam niyo ang ibig kong sabihin at kahit na kayo ang lumagay sa katayuan ko ay matatakot din kayo. Iyong sampung taon nga na magkarelasyon ay nagkakahiwalay, paano pa ang ilang linggo lang tapos tulad pa niya ang lalaki?” rason niya pero sa isip niya ay may sumaglit din na kaisipan na hindi na niya isinatinig pa.
At sa wala rin nag-uumpisa ang lahat.
Kung hahadlangan na niya ang pag-umpisa ng makulay na buhay pag-ibig niya, makakaranas man lang ba siya na magmahal?
“Hindi naman sa lahat ng pagkakataon, Kisses. Ang dami ring experience ng mga kapatid niya sa love life.” Ani Demi. “Si Sir Enriel, childhood friend ang naka-forever pero bago ‘yon ay nakasal muna siya sa ibang babae. Si Sir Hermès naman, babaero ring tunay at tiniis daw na ma-in love kay Ma'am Macy kulit pero nauwi rin sa kasalan ang lahat. Kung mapapansin mo, long term affair’ yong sa panganay at short term naman ‘yong sa pangalawa. Depende naman ‘yon sa taong nagdadala, Kisses. Ang samin naman ay mabait ka at mabait din si Sir Eco kaya bakit hindi niyo bigyan ng chance’ yong sa inyo? Ang tapang niya na sumugal ha kahit na minsan na rin siyang naloko ng babae.”
BINABASA MO ANG
My Playful Love✔️(Incomplete)
Romance-A Single Mom and a Playboy Romance- Fate offered her a man, not just one but two. Ang isa ay ama ng anak ni Kisses at ang isa naman ay gustong magpakaama sa bata. Kung titimbangin niya ay mas matimbang ang laman ng puso pero mas matimbang doon ang...