23-Defender

4.4K 262 25
                                    

Okay. Kawawa naman ung mga naghihintay ng complete ud.

Dedicated for those who casted their votes and waited patiently. Labidoo guys.❤️ #teamfuckingshit.

Playful Love 23

Hindi malaman ni Kisses kung magpapasalamat ba siya o ano nang tuluyang bumaba siya sa kotse ni Eco. Ano nga ba ang hitsura nilang dalawa? He's a giant. Nakaipit pa sa kili-kili nito ang salamin ng bintana ng sasakyan at maya-maya pa ay ipinatong sa braso ang baba na parang nagpapa-cute.

Sa bawat pagkakataon na napapasulyap siya sa mukha nito ay hindi maiwasan na makita rin niya ang labi nito. Naalala niya kung paano siya nito hinalikan na ikinapawi ng lipstick niya. Ngayon ay unti-unting rumirehistro sa kanyang isip ang katotohanan, and that truth brings fear.

"A-Ano naman hong ginagawa niyo?" sa wakas ay naitanong niya matapos na maisukbit ang bag.

"Nagpapa-cute." he frankly said.

Kung umiinom lang siya ng kape, malamang naibuga na niya sa biglang pagtawa. Really? Does he even have to do such thing to be noticed? Come on, he's Grieco Antonio and he'll stand out even if he only stands straight in the middle of the crowd.

"Hindi niyo na ho kailangang gawin 'yan." may kasunod na mumunting irap ang sinabi niya na ikinalapad pa ng ngisi ng damuho.

"Because I'm already handsome?" kumislap pa ang mga mata nito sa kalandian tapos ay napahabol ng tingin sa babaeng dumaan sa harap nila.

Agad na parang sinindihan ang inis ni Kisses dahil sa nakita. Manliligaw pala pero kung makatitig sa pwet ng babae ay sobra. Naks ha! Nakakabwisit ka!

Walang pasintabi niya itong binangga sa braso kahit na parang halos tumilamsik pa siya.

"Wait." he stops her arm but she brushed it off, facing him.

"Ang kailangan ng babae ay seryosong lalaki at hindi iyong kapag may dumaan na pwet sa harap niya ay halos mabali pa ang litid ng leeg sa pagsunod!" hindi niya napigilan na huwag ibulalas pero humalakhak ito ng tawa.

Walang hiya!

She's not jealous. Actually, Eco is not her type. He's too handsome for her and she'll only cry in the end. Isang normal na lalaki lang ang pangarap niya sa buhay, iyong may desenteng trabaho, may hitsura lang at hindi ubod ng yaman. Kay Grieco, lahat ng bagay ay sobra, sobrang tangkad, sobrang macho, sobrang gwapo, sobrang yaman at sobrang babaero. May iniuuwi nga pala itong babae sa condo at sa tindi ng kamandag nito ay napakaimposible yata na hindi nito ikinakama ang babae na iyon na todo deny nitong asawa o ka-live in partner.

"Napatingin lang ako, baby ko."

"Baby mo po ang mukha mo! Tse!"

"Aw. My bae is jealous." palatak pa ng binata pero tinalikuran niya ito nang tuluyan. Wala siyang pakialam kung sabihin nito na bastos siya o maarte.

Wala siyang karapatan na umaktong ganoon dahil mahirap lang siya pero gusto niya at wala sa kanyang makapipigil, not when a man who confessed who wanted to court her would flirt in front of her. Doon pa lang ay bugok na ang iskor nito.

"Hoy, bilis na bruha! Rarampa na!" paypay kay Kisses ni Hannah sa may stage kaya naman mas nilakihan pa niya ang paghakbang.

Wala na sana siyang kabalak-balak na lumingon pa pero ang letseng ulo niya ay pumihit na mag-isa. She still found Eco watching her. The man is leaning on the car with crossed legs and crossed arms.

Pati ang pagpapasalamat ay hindi na niya nagawa dahil sa nangyayari sa pagitan nila.

He smiled genuinely but she never smiled. Hindi rin naman siya umirap at tiningnan lang iyon hanggang sa may mabunggo siyang tao.

My Playful Love✔️(Incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon