Happy New Year!!!🎉🎉🎉🤣🤣🤣
Playful Love 1
Halos maihi si Krista Isabella nang tumama ang kutsilyo sa lintik na kahoy na pinagkakatalian sa kanya. Pangatlong beses na iyon na pinasok niya ang trabaho sa perya bilang target sa isang umiikot na board. Kung akala ng iba ay sa pelikula lang iyon nakikita, pwes malaking pagkakamali iyon dahil nangyayari iyon sa totoong buhay at nangyayari sa kanya sa mga oras na iyon.
She needs money. That’s her reason. Gumagatas pa si Czarina at may lagnat nga ang bata kaya dumidilehensya siya ng pera para maipa-check up niya sa private na duktor. Tatlong araw na ang lagnat at naaalarma na siya dahil tumataas iyon ng nasa 40 degrees Celcius.
She loves her daughter so much and Czarina is her life that’s why she’s willing to risk her own for her daughter’s safety.
May sampung kutsilyo pa ang patatamain sa board kaya halos mausal niya ang Ama Namin nang pabaliktad para lang pakinggan siya ng Diyos.
“Kisses! Si Czarina isinugod sa ospital ni Nanay! Bumaba ka na riyan, babae ka!” Sigaw mula sa umpukan ng mga manonood at natitiyak niya na kay Evelyn ang boses na iyon ng babae.
Ano?! Hindi niya malaman kung paano siya bababa sa lintik na spinning wheel kaya sumigaw siya nang malakas. “Pakawalan niyo ako rito! Iyong anak ko!”
She yells and wriggles against the tight rope. Kumiwal-kiwal siya nang husto pero hindi siya pinansin ng lalaking tumatarget sa kanya kaya hindi siya tumigil sa pagsigaw.
“Idedemanda kita! Ayoko na! Itigil mo na! Pakawalan mo ako letse k—inaaaaay!” Pumikit siya nang batuhin siya ng lalaki at tumama iyon sa pagitan ng mga singit niya.
Kamuntik na ang kabuhayan niyang masaling.
“Pakawalan niyo ako!” Kisses screamed and in a blink of an eye, Ebs was already on the stage.
“Pakawalan mo na, letsugas ka!” Hinampas na ng kaibigan niya ang ulo ng lalaking kalbo gamit ang bag nito saka dumampot ng isang kutsilyo. “Itumba niyo ang wheel mga walang hiya!” dinuro ng babae ang kutsilyo sa mukha ng lalaki kaya napasunod ang mga side kick lalo na nang may sumigaw na lalaki sa mga taong nanonood.
“Pakawalan niyo na kung hindi sasabog ang ulo niyo! Pulis ako!”
Nagawa pang luminga ng dalaga sa paligid para hanapin ang nagmamay-ari ng mamalat-malat na boses na iyon pero buong-buo.
Wala siyang nakita na pulis doon pero nagpapasalamat siya sa kung sinong pilato na iyon ang sumigaw, paraan para makatakas siya sa kinalalagyan niya.
Kahit na nangangatog ang mga tuhod ay pinilit niyang makapaglakad.
“Akin na ang bayad ko!” dumampot si Kisses ng isanlibong piso sa kahon na nasa mesa at mukhang tatalupan siya ng buhay ng lalaki.
“Mamang pulis! Ayaw akong bayaran!” sigaw niya kahit na mangiyak-ngiyak siya dahil sa sitwasyon ng anak niya.
“Bayaran mo! Ibigay mo lahat!” sigaw pa ng lalaki at ang mga tao naman ay nagsisipag-alisan na kaya ang kahon na mismo ng binitbit niya.
Suot pa rin ang costume at may bola pa siya sa ilong ay wala siyang pag-aatubili na hinila si Evelyn papaalis.
“Anong nangyari sa baby ko?” Umiiyak na tanong niya sa kumare niya na pinsan pa niya.
“Hindi ko alam. Nanlupaypay na lang ‘yong bata kaya nataranta na si Inay. Dinala niya kaagad sa PGH kasi maputlang-maputla at nagkumbulsyon. Bumigla raw ang taas ang lagnat.” Ani Evelyn na ramdam din niya ang nerbyos sa boses nito.
BINABASA MO ANG
My Playful Love✔️(Incomplete)
Romance-A Single Mom and a Playboy Romance- Fate offered her a man, not just one but two. Ang isa ay ama ng anak ni Kisses at ang isa naman ay gustong magpakaama sa bata. Kung titimbangin niya ay mas matimbang ang laman ng puso pero mas matimbang doon ang...