Chapter 6: Crushmate

52 1 0
                                    

"Yawn." Napahikab ako.

Hay! Ano ba 'yan! Dahil sa halik na 'yun, 'di tuloy ako masyadong nakatulog kagabi. Waaah! Bakit ba kasi ayaw mawala sa isip ko?!!

Kasi naman, nagkafirst kiss ka nga, sa isang complete stranger pa. Sinong 'di makakalimot 'nun?

Tss. 'Yun nga eh. Bakit 'di ako pumalag? Bakit hinayaan ko lang siyang halikan ako?!! Ganoon ba ako ka atat sa first kiss ko?!!

Ewan ko. Tanungin mo ang sarili mo.

Kaya nga kita tinatanong 'di ba?!!

Kasi ikaw at ako, ay iisa!

Saka 'wag mo nga akong tarayan! Subconcious lang kita, no!

'Yun nga eh. Subconcious lang ako. 'Di ako ang pumayag na magpahalik sa isang stranger. Bwahaha!

Huhuhu. I hate you.

I frowned with my thoughts. Sarili ko ba talaga ang kausap ko?

Hay. Gusto ko sanang makinig sa discussion ng Math teacher namin. Kaya lang...

"Yawn." Inaantok talaga ako eh. Tapos nakikipagtalo pa ako sa sarili ko. Hahaha.

Sabunutan niyo nga ako.

Nababaliw na ata ako, eh.

Ngayon mo lang narealize? Matagal ka nang loka-loka, no!

Heh! Tumahimik ka na nga diyan! Wala kang maitutulong, eh!

"Bru, okay ka lang? Puyat ka ata?" Tanong ni Ara.

Oo nga pala, katabi ko silang dalawa ni Kaytlynn ngayon. Si Ara sa tabi ng bintana, ako sa gitna, at si Kaytlynn.

"Yup." I said popping the p. "Okay lang ako."

I sighed. "Puyat lang kasi..." Hmm. Paano ko nga ba sasabihin sa mga bruha?

Magpapalusot pa ba ako? O didiretsuhin ko na sila?

"Kasi?" Nag-aantay na tanong ni Kaytlynn.

Hay. Sige na nga. Sasabihin ko na nga lang. Bestfriends ko naman sila, eh. Gusto ko ring humingi ng advice.

Huminga ako ng malalim. Kaya ko 'to. Sasabihin ko na.

"I can't sleep because someone kissed---" I paused when their eyes widened with the glint of somewhat like "bruha's plan". Hay. 'Wag na nga lang. Imbes na advice eh, baka ipagtulakan pa ako 'dun sa lalaki. Haha mga echosera kasi.

"--kiss me on the pader. G?" Palusot ko. Haha. Ewan ko lang kung maintindihan nila.

As expected, they gave me the confused looks.

"Ano raw?" Naguguluhang tanong ni Kaytlynn.

"Sinong nagkisskiss sa'yo sa pader? Kakalbuhin ko." Banta ni Ara.

Haha. Kung alam niyo lang, wala naman talaga, eh. Pero ang dali niyo talagang mailigaw. Ahaha!

Phew! Galing ko.

Bigla namang tinawag ni Mr. Oyog ang atensiyon naming lahat. Kaya hindi na ako "nainterrogate" ng mga bruha.

Nawala ang antok ko nang makita ko ang kung sino ang nasa harapan.

"What the--"

"Good morning classmates!" Bati ng class mayor naming si Jarren.

Introducing, ang kalookalike ni "Pnoy"-- este ni "Daniel Padilla" pala, pagmamayabang niya. "Mayroon nga pala tayong bagong kaklase ngayon. Kakaenrol lang niya kahapon."

Sweethearts Trilogy: Colliding HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon