Chapter 12: Saranghe

33 1 0
                                    

Avril's POV

"Patrick.." Napabuntong hininga ako habang nakatunghay sa kanya. Tatlong araw na kasi siyang walang malay eh.

"Alam mo, namimiss ko na yung kayabangan mo. Namimiss ko na yung asaran natin. Namimiss ko na yung mga nakakaasar na banat mo. Namimiss ko na yung boses mo...

... NAMIMISS NA KITA."

Napangiti ako nang maalala ko yung mga araw na kasama ko siya. Mula kasi nung makilala ko siya, parati na niyang ginugulo ang buhay ko; specifically ang puso ko.

Hinawakan ko yung kamay niya.

"Sorry ha? Sorry kung tatanga-tanga ako. Sorry kasi dahil sa kin.. Napahamak ka. Sorry talaga." Napansin kong lumuluha na naman ako.

Eeeeh! Kailan ba ko naging ganito kaiyakin?

"Oo mahal kita. Sorry kung ang hilig kong magdeny. Pati nga sa sarili ko, dinedeny ko eh.. Oo na, ako na ang magulo. Hayaan mo, na mahal naman kita eh. "

Pinunasahan ko ang mga luha ko.

"P-please naman o. G-gumising ka na.." Kahit ano, gagawin ko. Magising ka lang. Kahit lumayo, gagawin ko para di na to mangyari ulit sa yo..

Ang mapahamak ka.

Huminga ako ng malalim.

Aalis na sana ako nang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Take Note; SIYA na yung humawak sa kin.

Nanlaki ang mga mata ko. "P-patrick?..."

"...." Teka, nakita ko ba siyang NGUMITI?

Kinurot ko yung mukha ko kung totoo nga..

"Waaaaaah!" Totoo nga!! Ngumiti siya! Ngumiti!! Yeeeeeey! May malay na siya!!! Wuuuuu. Yeeeehe-- TEKA NGA.

Kung gising na siya, ibig sabihin...

"Waaaaaah! Narinig mo yung mga pinagsasabi ko?!" Namumulang sabi ko. Huhuhu. Kasi naman eh! Bakit di ako nainform?

Dumilat siya. Wow, ang gwapo niya pa rin? "Yup," he smiled at me while wiggling his eyebrows. "Haay. Kung ganito lang pala ang paraan para mapaamin kita, sana matagal na kong nagpapanggap na walang malay."

Nakanganga lang ako sa kanya. "So after all this time, nagpapanggap ka lang pala?! Kailan pa? Kailan ka pa nagkaroon ng malay?!"

Waaaaah. Lang yang mokong na to. Pagkatapos kong mag-alala, magtapat at magdrama, nagpapanggap lang pala siya?

"Ahmm.. Kahapon lang." Nahihiyang napakamot siya sa batok niya.

Kahapon? As in?!

"KAHAPON?!"

"Ay hindi. Ngayon lang." Waw, nakuha pang mamilosopo.

"Waaaaah! Bitiwan mo ko!" Pilit kong bawiin ang kamay ko sa kanya pero ang higpit ng pagkakahawak niya.

"Bitiwan mo sabi eh!" Sigaw ko sa kanya.

"Avril---"

"Waaaah! Nakakainis ka!" Hindi siya yung tinutukoy ko ha. Yung sarili ko. Nakakainis kasi eh! Bakit ba kasi ako umamin sa kanya? Narinig niya tuloy.

Haha. Ewan ko sa'yo. Ayan, nagdadrama pa kasi.

Psh. Kahit kailan talaga, baliw tong subconcious ko.

"Avril--"

"Waaaah! Yoko na--- Aaaaaaaaaaaah!" Nabigla ako nang bigla na lang niya kong hilahin papunta sa kanya.

Kaya eto ako ngayon, nasa tabi niya.

Natahimik ako. Kasi ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga at ang bilis ng pagtibok ng puso niya. Ako kaya ang laman nito?

"P-patrick.." Bigla niya kong niyakap.

"Haaay, kahit kailan talaga ang ingay mo." I heard him chuckled.

Napangiti na rin ako. I really miss this feeling. Being right next to him.

"Ril?.." Tumingin ako sa kanya. "Ramdam mo yung bilis ng pagtibok ng puso ko?" Tumango ako.

"Alam mo bang ikaw ang isinisigaw nito?" Sabi niya sa kin habang nakatingin sa mga mata ko. Namula naman ako.

Waaaah, kinikilig ako. Hihihi.

Pumikit ako at dinama ang pagtibok ng puso niya. Napangiti ulit ako. "Boy banat ka ngayon, ah. Anyare?"

"Katabi ko kasi ngayon ang TAONG MAHAL KO."

Syet lang. Haha! Kinikilig talaga ako! Wuuuuuh!

Inhale. Exhale. Avril, wag kang magfreak out. Kinikilig ka lang okay? Hihihi.

"Mahal mo ba talaga ako?" Tanong ko at dumilat ako para makita ang reaksyon niya.

"Bakit mo ba natanong yan?" Nakakunot ang noong tumingin siya sakin.

"Kasi.. MAHAL RIN KITA EH." Napalitan naman ng ngiti ang nakakunot niyang noo kanina.

Waaaaaah! Oxygen! Kailangan kita ngayooon! Hindi ako makahinga sa ngiti niya!

"Halika nga rito." Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa kin.

"Uy, uy, uy. Nakakarami ka na ha." Natatawang puna ko sa kanya.

"Hayaan mo na. Mahal mo naman ako eh."

"Abusive ang mokong." Natatawang pumikit ako at dinama ang yakap niya. Mwahaha! Siyempre! Minsan ko lang maranasan ang ganito, no!

Haaaay, ang sarap talaga ng feeling kapag katabi mo ang taong mahal mo. At nakayakap pa sayo. Hihihi. Swerte ko.

"Patrick.." Tawag ko sa kanya.

"..."

"Uy, Asu." Shortcut for ASUngot. Asungot ng buhay ko. Mwahihi.

"...." Eh? Natahimik ata?

"Uy.." Dumilat ako at tinignan kung bakit tumahimik siya.

"..." Ay tokwa! Tinulugan ako?!

Pinagmasdan ko siya. Hindi pala obvious ang kayabangan niya pag natutulog, mala-anghel kasi ang mukha niya ngayon eh. Tapos nakangiti pa siya. Waaah. Gwapo talaga ng mahal ko.

"Jueun bamdeseyo.." Sabi ko at unti-unti akong nilamon ng antok.

"Sarangheyo.." Narinig kong sabi niya at napangiti ako.

"Saranghe." Inaantok pero kinikilig na sabi ko.

Yiiiiieeeeeeeeh. Katabi ko ngayon ang taong mahal ko.

-to be continued-

Whew. Swerte ngayon ni Avril ah. Hehehe.

Nga pala; Jueun bamdeseyo means goodnight and (Yieeh alam kong alam niyo to)

Sarangheyo/Saranghe means I love you. *aherm* ^___^

Stay Calm.

And read Colliding Hearts guys!!

Xoxo

Sweethearts Trilogy: Colliding HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon