Chapter 8: Embrace

52 1 0
                                    

"Ano?! Seryoso po ba kayo?!" Pasigaw kong tanong kay Mrs. Ramirez, ang acting principal ng SFA. Andito kami ngayon sa office niya, kung saan hinihingi niya ang isang "maliit" lang naman na pabor.

Pero kalerkey naman itong favor ni ma'am!  Gawin ba naman akong schoolguide ni Patrick?! Ng mokong na 'yun?!!

"Pero ma'am, malaki na po si Patrick. 'Di na po siya bata na maliligaw sa campus natin."

Childish nga lang. Tss.

"Request kasi ito ni Mr. Dimitriv, eh. Gusto niya kasing maasikaso ng mabuti ang anak niya. Patrick was a high profile person. And he has to be treated different from the other students."

"Bakit po siya high profile?! Ano siya artista?"

"No, he wasn't. But he was the 'D. Territory's heir'. The heir of chains of hotels and restaurants around the world. And he has to be safely secured."

Wow ha! Around the world talaga?!! Ganoon ba sila kayaman?!

"Pero ma'am! Bakit ako?! Wala naman po akong alam na ninja moves or whatever jutsu churva na 'yan.'Di ko po siya mapoprotektahan." Ayan tuloy, umandar na naman ang radar ng pagkaOtaku ko.

"Saka 'di rin po keri ng beauty ko na mag-ala bodyguard sa taong 'yun! Maste-stresslalu lang po ako." Reklamo ko kay ma'am.

Hay! Pangalawang araw pa lang rito ng mokong na 'yun, pero kung makagulo ng nananahimik na buhay, wagas! Paaaaksheeet.

Tapos, ako pa ang target ng asungot na 'yun. Kainis. Mamumuti ang buhok ko sa konsumisyon, kaloka!

"I'm sorry Ms. Ivashkov, but Mr. Patrick Dimitriv chose you."

"Ako?!"

"Ay, hindi, ako."

"Sige po ma'am, palit po tayo. Ikaw po muna ang estudyante, ako po muna ang acting principal." Pasimpleng request ko habang nakangisi.

Baka makalusot, eh.

"Naku! Bata ka." Napailing na lang si ma'am. "Marunong ka talagang manglito ano?"

I just shrugged. "Siyempre, henyo po ako, eh." Oo na! Nahawaan na ako sa pagiging "henyo" ng mga bruha! Hahaha!

Saka, para sa'n pa ba ang pagiging "Da great philosopher" ko kung hindi ko gagamitin ang pagiging henyo sa kalokohan?! 'Di ba?! Wahaha!

Sumeryoso ulit si ma'am. "My decision is final and you have to do your job."

"Pero ma'am! I invoke my right!" Pag-alma ko.

Nagkataon namang napatingin naman ako sa uniform ni ma'am na kulang sa pangalawang butones kaya't...

Ayan tuloy, naging maling akala. Hay, naku.

"Ms. Ivashkov!" Sigaw ni ma'am habang nakayakap sa sarili. "Kahit ganito lang ang katawan ko, 'wag mo naman akong gawing pork barrel!!!"

Pinigilan kong ang sarili na matawa sa harapan ni ma'am. But I laughed mentally.

Hahaha! Ui ma'am, kayo ang nag-isip niyan, 'di ako. Wala akong kinalaman sa pumasok sa utak niyo. Saka 'di naman kayo obesse ma'am ej, medyo mataba nga lang. Haha.

"Ma'am, 'di po yun ang ibig kong---" I tried to explain but Mrs. Ramirez gestured me to stop.

"Ms. Ivashkov, I've had enough! Dahil sa kakulitan mo, magiging

isang linggo ang pagiging school guide mo kay Mr. Dimitriv! And that's final!"

Whaaaaat?! Isang linggoooooo?!! Seryoso ba kayo?!

Sweethearts Trilogy: Colliding HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon