Chapter 17 : Unexpected

35 1 0
                                    

[Patrick's POV]

"Waaah. Manong, pede penge na lang ng isa? Wala akong pera eh."

"Sensya na, pero di pwede eh."

"Waaaah. Geh na po! Kahit utang lang. Babalikan ko po next year."

"Anak ng pagkain naman o! Wala na nga tayong pera, uutangin mo pa. Hingi ka na lang sa mga magulang mo, hijo."

"Pero manong, wala po akong parents eh."

"Ganoon ba? Sorry, na lang kid. Mahirap ang buhay ngayon eh."

Lumapit ako kay manong na nagtitinda ng ice cream at sa bata na kanina pa nangungulit dito.

"Isang chocolate ice cream nga po." Nakita ko naman yung medyo matabang bata na malungkot na umupo sa may bench na kinauupuan ko kanina.

"Pakidagdagan po ng isa." Inabot ko kay manong ang pera.

Inabot niya naman sa'kin ang dalawang ice cream. "Thanks po."

"Salamat rin, hijo."

Bumalik ako sa bench at umupo sa tabi ng bata. Haha! Natatawa nga ako sa itsura niya kasi nakapangulumbaba siya tapos nakapout pa.

Ang kyut!

Naalala ko tuloy yung childhood days ko, ganyan din ako kacute hanggang sa naging ganito na'ko kagwapo :D Tahaha! *damhin ang hangin*

Inabot ko sa kanya ang isang ice cream habang sinisimulang lantakan yung isa. "Gusto mo?"

Lumiwanag naman ang mukha niya at masayang tumingin sa'kin. "Wow! Talaga po?"

I nodded.

He get it from me and started to eat it right away. "Salamat po!"

Hay, ang lakas palang kumain ng batang to. No wonder why takot na magpautang si manong dito, eh baka maubos ang paninda niya ng walang kita. XD

"Hmmm! Salamat po talaga! Dahil po sa inyo, nakakain po ulit ako ng ice cream!!" Sabi niya habang inuubos yung ice cream. Wala talagang tigil sa kadaldal ang batang 'to! Kanina pa to kwento ng kwento pasalamat siya at di nabilaukan. Di rin nauubusan ng laway.

"Welcome." Sabi ko naman at inubos na yung sa'kin. Aaaaah.. This is heaven. Ice cream lang, okay na'ko. :)

"Anong pangalan mo kid?" Friendly na tanong ko sa kanya pagkatapos kumain.

Nilamon niya yung natitira. "Aiawhhwkqjauhakageywuhwj-- Buchok po!"

"Wag mo na akong 'po'-in di naman ako matanda. Just call me Kuya Ian."

"Okey! Kuya Ian!" Tumayo na siya at hinila ako. Oy, oy, di porket medyo mataba ka eh kaya mo na ako. Mwahaha!

"Teka, sa'n tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Gusto niyo pong sumama?!" Ngayon ka pa nagtanong eh kanina ka pa hila ng hila sa'kin.

"Saan naman?"

"Sa pinakamasayang lugar sa araw na 'to!"

"Huh? Sa'n yun?" Ang haba naman ng pangalan ng lugar na yun!

"Basta!" Tumaas baba yung kilay niya. "Geh na kuya!!! May magandang babae naman dun eh! Saka alam kong bagay kayo!!" Shemay naman o! Kabata-bata pa nito may alam ng ganyan.

Geh na nga!

Curios na lumapit ako sa kanya. Uy, uy, wag niyo kong isusumbong kay Avril. Loyal ako sa kanya. ^_^

Interesado lang ako. "Talaga? Sino?"

"Eh di si Ate Happy!" Nakangiting sagot niya sa'kin.

Eh? May pangalan bang ganun?

Sweethearts Trilogy: Colliding HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon