Chapter 4: Punished By A Kiss?

71 1 0
                                    

Patrick's POV

"Arf! Arf!".

"Tumahimik ka nga muna, Gygy." Naman eh. Kanina pa maingay ang asong 'to. Pasalamat nga siya't hinihintay ko ang amo niya.

Yup, amo niya. Hindi ko naman talaga aso siya, eh. I was just riding on a bicycle when...

(Flasback)

Hay, mabuti pa dito sa park 'di masyadong boring. 'Dun kasi sa bahay namin, butler at mga maid lang ang mga kasama ko.

That's why I'm at the park right now, riding a rented bike.

I was listening to some music on my headset when suddenly a dog stopped in the middle of the way.

Mabuti na lang at nakapagbreak ako.

"Phew! Ano ka ba namang aso ka, may lahi ka bang kabute at bigla-bigla ka na lang sumusulpot?" I glared at the dog.

The dog just bark at me in response. "Arf! Arf!"

I tried to make weird hand gestures on shooing her. But she just kept barking at me.

"Arf! Arf!"

Shoo nga sabi, eh! Kailangan ko pa bang mag-aral ng barking language para lang maiparating sa'yo?

"Tignan mo 'yung lalaki, o. Nasisiraan na 'ata. Sumasayaw ba naman sa gitna ng daan sa harapan pa ng isang aso?"

"Naku, baka entertainer lang 'yan. Alam mo naman ang mga tao ngayon, kanya-kanyang gimik para kumita."

Nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. Binalingan ko ang dalawang babae na dumaan.

Ganoon ba talaga kaweird ang mga hand gestures ko at inakala nilang nagsasayaw ako?

Oh, well. Babalik na lang ako sa pinanggalingan ko kanina. Ayoko nang mapagkamalan pa ng kahit ano.

I turn around my bike. At nagsimula na uli akong pumadyak.

"Nagsasalita ng English na gwapong zombie."

I smiled at the thought. One thing why I was here is to get her out of my mind.

I don't know why but since that time she won't get out of my mind. Na para bang gusto na ng utak ko ang isipin siya palagi?

Nababaliw na ba ako?

Tinatanong mo pa ang sarili mo, pero obvious naman di 'ba?

Aiiish! 'Wag ka ngang sumali subconcious. Naguguluhan na nga ako, pinalalala mo pa.

'Wag ka na kasing magkaila, may gusto ka sa babaeng 'yun.

No way! Ako? Magkakagusto agad sa isang babae? Ha! Swerte niya 'pag nagkataon.

Swerte talaga, tinamaan ka na, eh.

Saan ba nanggagaling ang munting tinig na ito at grabe kung makabanat?

Sa 'yo lang naman dude. I'm your inner thoughts.

Aw shut up.

Before I shut up, understand your feelings first.

Yeah right. Nababaliw na nga ako.

Bago ko pa tuluyang awayin ang sarili ay isinauli ko na ang nirentahang bike sa shop.

Baka kasi bumangga pa ako sa kung saan dahil gulong-gulo pa rin ang utak ko.

I just walk on my way back sa dinaanan ko kanina. Siguro naman, wala na 'yung makulit na asong 'yun.

Sweethearts Trilogy: Colliding HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon