Chapter 10: He Cares

39 0 0
                                    

Patrick's POV

"Yieeeeh! May padate date ka pa diyan! Selos ka lang eh!" Sinundot-sundot niya ko sa tagiliran. Haha! Ang kulit talaga ng babaeng to!

"Wag ka ngang mahiya!! May gusto ka sa kin no? Yieeeeeeh" Waw, nahawaan ko na ata. Haha. Ang hangin eh..

"Wag kang assuming." Sabi ko at umiwas ng tingin. Ha! Kala niya aaminin ko agad-agad. Mwahaha. Yoko nga.

Nakita ko siyang nagpout. Waaah. Cute niya rin. Pero pinigilan ko ang sariling pisilin ang pisngi niya.

"Aysus! Nagselos ka nga eh." Hindi pa rin siya tumigil sa kasusundot sa kin. Kulit talaga.

"Kanino naman?" Painosenteng tanong ko. "Saka bakit naman ako magseselos? Wala kaya akong kasing gwapo." I grinned at my own compliment. *damhin ang hangin:D* LOl

"Yabang. *pabulong* Ang gwapo kaya ni Van."

"Ha! Kung siya gwapo, ako ang PINAKAGWAPO."

"Oo na! Ikaw na. Na sa'yo na lahat. *pabulong* Pati nga puso ko, na sayo na rin eh." Sabi niya at naglakad siya pabalik sa lalaking yun. Pero pinigilan ko siya at hinawakan ang braso niya.

"O, san ka pupunta?"

"Eh di babablikan ko siya. Kawawa naman ang tao. Bigla na lang iniwan."

"Di ba na sakin ang puso mo?" Bigla siyan namula. Haha! Akala ata niya di ko narinig.

Di ko alam kong bakit pero nag marinig ko ang mga salitang yun mula sa kanya, hindi ko mapigilan ang saya. Na para bang bigla niyang kinumpleto ang pagkatao ko?

"Wag ka nang umalis. Dito ka lang." Hinawakan ko ang kamay niya. Tinignan ko siya sa mga mata.

Umiwas siya ng tingin. "A-ano, m-may h-hiramin nga pala ako kay Van." Sinubukan niyang umalis pero di ko siya pinakawalan.

Hinapit ko siya sa beywang at nagkadikit ang mga katawan namin. Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Mas lalo siyang namula. Hay, ang ganda niya talaga kahit anong reaksyon ang gawin niya. Lalo na pag wala siyang salamin.

Napangiti ako nang maramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Pangalan ko kaya ang isinisigaw nito?

"Pano kung sabihin kong oo?"

"...." Hindi siya umimik. Nanatili siyang nakatingin sakin.

"Paano kung aminin kong nagseselos nga ako? Na may gusto ako sa'yo?"

"P-patrick--"

"Magiging tayo ba?"

Oo, inaamin ko. Simula nung nakakatawang araw na nakilala ko siya, hindi na siya mawala sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing naalala ko siya, napapangiti na lang ako ng walang dahilan. Para nga akong baliw eh. Yung pang-aasar ko sa kanya? Sinasadya ko yun. Gusto ko kasing makuha ang atensiyon niya. Palagi kasing lumulutang ang isip niya eh.

Hindi ko rin alam kung bakit pero sa tuwing kasama ko siya, kontento na ang sarili ko. Na para bang wala na kong mahihiling pa?

Oo. Inaamin kong sa loob ng tatlong linggong kasama ko siya, hindi ko napigilan ang sariling mahulog sa kanya. Hindi ko napigilan ang sariling mahalin siya. Siya lang ang nag-iisang tao na bumubuo ng araw ko. Siya lang ang nag-iisang tao na nakapasok sa puso ko. *Waw, ang cheesy ko mga dre! XD*

Umiwas siya ng tingin sa kin. "A-ano ba yang pinagsasabi mo?"

"Di ba kanina mo pa pinagpipilitan na nagseselos ako? Na may gusto ako sa'yo? Tapos ngayon namang inaamin ko na, tinatanong mo pa ko. Ang gulo mo."

Pinakawalan ko siya at  tumalikod na ko. Hay makaalis na nga. Ang gulo ng babaeng to. Kanina, di nahihiyang sabihin na may gusto raw ako sa kanya. Ngayong namang inamin ko na, ngayon pa lang nahiya.

Hay, bukas na nga lang ako manliligaw. Di ko pa alam kung ano ang gagawin ko eh. Di kasi ako sanay na may nililigawan. Nasanay na kasi akong mga babae na ang humahabol sa kin. *aherm*

Nagsimula na akong maglakad. Akala ko hindi na siya sumunod pero bigla siyang umagapay sa kin. "Uy, Patrick!"

Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Hmm, ano kaya ang bibilhin ko mamaya? Gusto ba niya ang mga flowers? Kung chocolates kaya? Magugustuhan ba niya?

"Patrick naman eh!!! HUMINTO KA NGA!"

Hinarap ko siya. "Ang ingay mo."

*kiss*

Nanlaki ang mga mata niya. Haha. Parang di pa siya sanay na kaya kong mangnakaw ng halik. Ekspert kaya to.

"Waaaaaaah!" Pinaghahampas niya ko. "Nakakainis ka naman eh!"

"Uy!" Hinawakan ko ang dalawang kamay niya. "Sadista ka talaga. Pagkatapos kitang halikan, hampas lang ang ibabalik mo sa kin?" I smiled mischievously.

Namula ulit siya. "Heh! Tumigil ka nga! Akala mo ba natutuwa ako?" Pinilit niyang magalit-galitan ng mukha pero nabigo siya. Haha. Ang cute niya.

"Oo naman. Kinikilig ka nga eh." Kinindatan ko siya. Mas lalo siyang namula. Haha. Pinaglihi ata siya sa kamatis eh.

Tinulak niya ko. "Yabang! Diyan ka na nga!" Naglakad siya pabalik sa SFA.

Sinundan ko siya. "Uy! Bumalik ka rito!"

"Yoko nga!" Haha gusto niya talagang habulin.

Sinubukan kong hawakan ang braso niya pero binawi niya ito. "Ril naman eh. Aminin mo na rin. Di ba, may gusto ka rin sa kin?"

"H-heh! W-wala kaya." Sinungaling. Obvious kayang nagsisinungaling siya. Pananalita pa lang niya, halata na.

"Wag ka nang magdeny. Yieeeh aamin na yan." Pangugulit ko sa kanya.

"Kulit!" Tumakbo siya. Tumakbo rin ako. Pero pagdaan namin sa may gusali, bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Avril!" Tawag ko sa kanya. Pero nagpatuloy pa rin siya sa pagtakbo.

Huminto ako at tumingin-tingin sa paligid. Tumingin-tingin din ako kung may kakaiba ba. Pero wala naman. Pero parang may mali eh. Parang may tao?

"Avril!" Tinawag ko ulit siya. Tumigil naman siya sa kakatakbo at nilingon ako.

"Ano?" Tanong niya sa kin.

Pero bago pa ko makasagot, may nakita akong anino sa second floor ng building.

Namalayan ko na lang ang sariling tumatakbo papunta sa kanya. Agad akong tumalon at niyakap siya. Naramdaman ko ang daplis na pagtama sa kin ng bagay pero di ko yun ininda.

"O-okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Medyo nanlalabo na ang mga paningin ko. Ramdam ko na rin ang likidong dumadaloy sa ulo ko. Shit. Sino kaya ang lokong yun? Bakit gusto niyang saktan si Avril?

"A-ayos l-lang ako." Nakita kong nalaki ang mga mata niya nang tignan niya ang likuran ng ulo ko. "Patrick!!! M-may d-dugo! Dumudugo ang ulo mo!!!"

I smiled at her. "O-okay.. L-lang.. N-nailigtas.. N-naman kita eh.."

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong natumba. Bigla na lang akong nabghina. Pakiramdam ko, umiikot ang mundo.

"PATRIIIICK!!!" Narinig kong sigaw niya pero di nako nakatugon pa...

~~~~~~~~~••••••~~~~~~~~~~~••••••••••~~~~~~~~~~~~••••••~~~~~

-to be continued-

Hello sa inyo! Nga pala, saaareeeh kung matagal akong mag-update. Palagi kasing lumulutang ang utak ko eh. Ewan ko ba, may plano atang pumunta sa outer space. XD

Anyways, sana po wag po kayong magsawa sa pagbabasa ng storyang ito. Yun lang po!Kamsaaaa! :")

Xoxo

Sweethearts Trilogy: Colliding HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon