Chapter 15: Cold Treatment

31 0 0
                                    

Avril's POV

Umiiyak na napaupo ako sa may bench.

Gaga ka pala Avril eh! Bakit mo yun sinabi sa kanila?! Ikaw ang tanga! Di sila!!

Alam mo naman ang dahilan di ba? Kailangan mo silang layuan. Dapat kang lumayo sa kanila.

Pero tama ba yung ginawa ko? Bakit naguiguilty ako?

Siyempre, kaibigan mo sila eh.

Yes, their my friends. But I chose to hurt them.

"Ang sama ko. Ang sama-sama kong kaibigan. I'm not worth it of our friendship."

Waaaaaaaaaaaah! Di ko na kayaaaaaaaa! Ano ang gagawin kooooooo?!!

Sinampal ko ang sarili. "Aray!"

Huhuhu.

Therefore I conclude, ang sakit ko pa lang manampal. Sariling katangahan lang no?

"Avril..."

Dahan-dahan kong nilingon ang nagsalita. Nakatayo siya ngayon sa harapan ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Ayokong makita niya kong ganito kahina. Ayoko nang makita niya kong umiiyak.

"Patrick.." Pinalamig ko ang boses ko. "A-anong ginagawa mo dito?"

Patrick's POV

"...anong ginagawa mo dito?"

Inabot ko sa kanya ang isang panyo.

"Wag ka nang umiyak." Ngumiti ako sa kanya. "Maiintindihan din nila."

Pero di niya tinanggap at umiwas siya ng tingin. "Hindi ko k-kailangan niyan. W-Wala akong p-pakialam kung maiintindihan ba nila o hindi."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "What's with the cold treatment? Bakit ka nagkakaganyan?"

"Paki mo?!" She snapped at me.

Nabigla naman ako sa inasal niya. She's acting like not herself.

"Ano ba kasi ang nangyayari sa'yo?" Mahinahong tanong ko sa kanya.

Siguro, may problema lang siya ngayon. Kailangan mo siyang intindihin, Patrick. She needs you.

"Wala okay?!" Tumayo siya. "Kayo ang may problema! Bakit ba kasi ayaw niyo kong tigilan sa mga tanong na yan?! Nakakasawa na!"

"Tinatanong ka namin kasi alam naming may mali. May pinagdadaanan ka ngayon, pero ayaw mong sabihin. Concerned kami sa'yo. Di mo ba nakikita yun?"

Why does she's acting so irrational?

"Concerned ako kasi mahal kita. Di mo ba alam yun?"

"Wala akong pakialam sa P-PAGMAMAHAL mo. Kaya pwede ba?! L-Lumayo ka na." Yumuko siya at napaupo sa mga sinabi niya.

Masakit. Masakit marinig mula sa taong mahal mo na wala siyang pakialam sa pagmamahal mo. Parang may tumutusok sa puso ko, hindi ko maipaliwanag ang bigat ng nararamdaman ko.

Hindi ko maipaliwanag ang sakit.

"Kaya mo ba ako iniiwasan kasi yan ang gusto mo?" Napapikit ako.

Please, sabihin mong hindi. Sabihin mong mahal mo pa rin ako. Sabihin mong kailangan mo ko.

"O-Oo." Sabi niyang garagal ang tinig. Alam kong umiiyak siya.

Dahan-dahan akong tumalikod sa kanya. Naglakad ako palayo.

Masakit man, kailangan kong tanggapin ang mga sinabi niya. Kalingan kong tiisin ang sakit. Kailangan kong lumayo muna sa kanya.

Pero di ibig sabihin nun..

... SUSUKO NA AKO.

_______________________-To be continued-____________________

Sweethearts Trilogy: Colliding HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon