Chapter 9: Date?!

52 1 0
                                    

"Whaaa! Idelete mo yan!" Sigaw ko habang hinahabol ang dakilang mokong.

"Wahaha! Yoko nga! Ang ganda mo kaya ritoXD" Natatawang ipinakita niya sa kin ang picture ko.

"Heh! Anong maganda? Panghalloween ang mukha ko diyan eh!" Totoo naman. Sino ba kasi ang makakapag-ayos nang bigla-bigla na lang sasalubong sa mukha mo ang camera? Haller? Ano ako kidlat?

Hinatak ko ang polo niya nang maabutan ko siya para di na siya makalayo pa. Sinubukan kong abutin ang camera pero nailayo niya.

Height naman kasi.. Bakit mo pinagkaitan ang isang tulad ko?

"Mwahaha! Maupload nga to mamaya. Siguradong facebook sensation ka pagnagkataonXD!" Sama nito. Alam ba niyang madudungisan ang reputasyon kagandahan ko?

Chos! *damhin ang hangin*XD

Inambahan ko siya. "Sige ka. Subukan mo lang. Pagsisihan mo talaga kung bakit ka napadpad sa mundo ng mga tao."

So ano siya? Alien?

Alien na sinakop ang puso ko.

Haha! Boom. Ansave?

"Okay lang. Nakilala naman kita eh." Teka, tama ba ang narinig ko? Kailan pa naging katanggap-tanggap ang pinagsasabi niya sa tenga ko?

Binitawan ko siya. "Ano raw?" Waaah! Pakirewind nga!

"Wahaha!" Lumayo siya sakin at binelatan ako. "Siyempre, joke lang yun. Naniwala ka naman!"

"Ah! Ganun ha?!" Lang ya. Hinabol ko siya nang hinabol hanggang nakalabas kami ng SFA. Mabuti na lang at wala si manong guard. Hindi kami nasita.

"Haha! Uy, turtle! Bilisan mo naman!" Kantiyaw niya sa kin.

Kasi naman! Ba't ang bilis niyang tumakbo? Hinihingal tuloy ako!

Tumigil ako. "Uy *hingal* wait *hingal* lang!" Humabol ako sa kanya.

Naku! Madapa sana.

Sige na.

One time. Para maabutan ko at mabatukan. Yay! Lang ya eh!

*bogsh*

"Aray!" Huhuhu. Kapalaran naman eh! Ang sabi ko, madapa siya sana. Di ako!

"Uy, Av. Okay ka lang?" Tinignan ko ang nagsalita.

Tingin. Nakakanganga. Naging heart ang mga mata.

At higit sa lahat.

Tulo laway.

Haha! Yucks! De, joke lang. Kayo naman. Masyadong sineryoso. XD

Pero seriously, pag ibang babae ang nakaharap niya ngayon, siguradong ganun ang mangyayari. XD Pramis!

Sino ba naman kasi ang hindi?

Ang lead vocalist ng "Static" na si Van Ariel Alvarico, kaharap mo ngayon?! Waw! Swerte mo.

Tinulungan niya akong makatayo. "Bakit mo kasing naisipan na magdive sa walang tubig? :D" Natatawang tanong niya sa kin.

Waw! Nahiya naman ako. Eh mas malala pa ang nangyari sayo eh! Yung natapunan ka ng pagkain sa mukha!

"Pagnadapa, dive agad? Di pwedeng agaw eksena muna?" Ala philosopher na sagot ko.. *damhin ang palusot* XD

"Malay ko ba sa trip mo." Sabi niya. I just stared at him blankly. The-anong-trip-mo-tol-look.

Tumikhim siya. "So kumusta?" Pag-iiba niya ng topic.

Nakakunot ang noo na tinitigan ko siya. "Ako o si Ara?" Tanong ko.

Si Van kasi, may gusto kay Anne Riva. Eh ako namang si maganda*ehem*, pumayag na maging tagaupdate niya, kung may "duma Da Moves" ba sa bruha.

"Haha. Eto naman oh. Siyempre ikaw."

Heh! If I know, tatanungin mo rin ako kung may nangliligaw ba.

Kaya tungkol naman kay Ara ang sinagot ko sa kanya. "Wag kang mag-alala. So far, wala pa namang nanliligaw--"

"Kasi akin siya." Eh? May sumulpot atang kabute?

Hinarap ko ang kabuteng tumabi sa kin. "O, naligaw ka ata?"

Kumunot ang noo niya. "Nakalimutan mo?"

"Ha? Ano naman ang nakalimutan ko?"

"Di ba may date tayo ngayon?"

Nabigla ako. Ano raw?! "DATE?!"

"Tch." Hinila niya ako palayo kay Van. "Halika na nga. Baka matangay ka ng ibang hangin."

Okay. Ang gulo ha?!

Anong pagkain ang nakain ng Dimitriv na to?

Sweethearts Trilogy: Colliding HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon