Chapter 5: WAFAF!

50 2 0
                                    

Kaytlynn's POV

Hay. Yaaawn. Hikab dito, hikab diyan. 'Yan ang morning ritual ko papuntang school.

Paano ba naman kasi?

Ang mga bruha kasi eh, palagi na lang kaming nagsasalisihan. 'Di ba pwedeng sabay na lang kaming pumasok?

Pareho naman kami ng dinadaanan, kaso nga lang, si Ara, masyadong maaga, tapos si Avril naman, palaging malapit sa pagiging late.

Hay, ang boring tuloy ng paglalakad ko. Alam niyo ba 'yung feeling na gusto niyong dumadal ng dumadal pero di niyo magawa dahil wala pa ang mga "matitino" niyong kaibigan?

Alangan namang magsalita at tumawa ako ng mag-isa, nakakasawa kaya 'yun. Hahaha.

Yep, natry ko na 'yun. Mukha talaga akong baliw.

'Wag niyo nang isipin, baka mahawa pa kayo sa topakness ko. Haha. Baka 'di niyo ma keri.

Hmmm, speaking of mga bruha..

Paanon nga pala kami naging magkaibigan?

Eto kasi ang nangyari..

(Flashback)

Waaaah!! 'Di pwede to!

First day ko ngayon bilang isang freshman, kaya lang, late pa'ko. Kaya naman agad akong tumakbo papunta sa hallway para tignan kung saang section ako nabibilang.

Si Mama kasi, eh. 'Di man lang ako ginising. Ang himbing daw kasi ng tulog ko.

Waaah! Kasalanan ko ba kung bakit ang ganda ko pagnatutulog?

Teka, anong connect?

Simple lang. Gusto ko lang kasi maisingit ang kagandahan ko, eh.

Wahahaha!

Oo na! Ako na ang mahangin! Mas inuna ko pa ang kagandahan keysa sa pagiging late ko.

Pagbigyan niyo na. Minsan lang kumapal ang mukha ko, eh.

"St. Joseph.." Tumango-tango ako. Ang SFA kasi,  isang Catholic school. Kaya naman, lahat ng mga section dito ay ipinangalan sa mga santo.

Hay, sana lang malapit ang classroom namin.

Pak!

Pero bago pa ako makaalis ay may narinig akong sinampal.

Teka, akala ko ba ako lang ang nandito?

Tumingin ako sa palagid. At sa kabilang panig ng hallway, nakita ko ang isang babae na maarteng nakatayo habang ang isang babae naman na nakaeyeglasses ay nakaupo sa sahig habang hawak ang namumulang pisngi.

Let's just named them sina Maarteng babae at Kawawang babae. MB and KB for short.

Umiiyak na tumingin si KB kay MB. "Ano ba? Sino ka ba para sampalin ako, ha?! Ni hindi nga 'yun nagawa sa'kin ni Mommy, eh!"

Maarteng itinaas ni MB ang kilay niya. "Excuse me, kung nakakalimutan mo, ako lang naman ang maganda mong stepsister. Saka haharang-harang ka kasi sa buhay ko eh!" Then she took a step closer to KB. "Kaya naman, 'yan ang bagay sa'yo."

KB snapped at her. "Step Monster 'kamo. Saka akala ko ba, Catholic school 'to? Bakit nga ba tinanggap nila ang may masasamang ugaling katulad mo?"

"Aba't--" Sasabunutan na sana ni MB si KB nang bigla ko na lang iniharang ang sarili sa pagitan nilang dalawa.

"Miss, tama na. 'Wag mo na siyang awayin. First day pa naman  ngayon ng klase, kaya please? 'Wag ka nang magsimula pa ng gulo." Pakikiusap ko kay MB.

Sweethearts Trilogy: Colliding HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon