The New Me

1.8K 39 4
                                    

Chapter two

The New Me

"I guess the moment when everything has changed, when I realized I deserved so much better. "

Jillian's POV

Umuwi akong lumuluha pagkatapos ng nangyari. Nandito ako ngayon sa gilid ng kalsada parang tangang umiiyak.

Hindi ko rin naman kayang umuwi sa bahay dahil magisa nanaman ako. Namatay si mommy noong 7 years old palang ako at hindi ko na alam kung sino ang tatay ko.

Napagpasyahan ko nang umuwi dahil gutom na gutom na ako. Di ko man lang nakain mga binili ko kanina hmp.

Tulala akong tumawid sa kalsada dahil simula noong unang pagdaan ko dito wala naman talagang dumaan na sasakyan dito.

Napapikit ako sa liwanag na galling kung saan at napuno ng kadiliman ang paligid.

Someone's POV

Dali dali kong binuhat ang dalagang ito at aking sinakay sa aking sasakyan. Hindi ko alam ang aking gagawin.

"Hello Claire? Please Call me a doctor. " Saad ko habang kagat kagat ang daliri ko. Maalat hehe.
"Coming up sir. "

Ibinaba ko na ang aking telepone sumulyap sa magandang binibining hindi ko alam kung humihanga pa.

Ano kayang magandang katwiran sa mga pulis? Magiisip na ako ng alibi baka mamaya pagbintangan nila ako na mamatay tao.

Pwede naman, ipopost ko sa insta ko #bilibidlife #presonasiLolo pero hindi ako marunong maglaba ng brief ko, paano kaya?

Nakita ko naman agad ang driver ko na abala sa pag-aayos sa binibini sa likod.

"Magandang Gabi Master"

O 'diba bonga, master tawag sakin.

"Wattup baby." Sexy kong sagot, hihi.

"Mabaho ba ang aking hininga? Bakit niyo tinatakpan ang inyong mga bibig? "

"H-hindi po master! "sabay sabay nilang sabi.

"Wait, may washing machine ba sa presinto?" Tanong ko sa kanila.

"Hoh?" Napakamot naman ako sa ulo ng Makita ang lito nilang mukha.

"Osiya sige at ibaba niyo na ang binibini at tignan kung humihinga pa. "

Pumasok na ako sa aking mansyon at tinawag ang aming doktor.

"Nasa kwarto siya sa ikatlong palapag. Turn left then turn right. You've reach your destination. "

"Pfttt. Yes Master. "

Mabaho ba ako? Makapag tooth brush na nga.

Jillian's POV

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ang sarili ko na nasa isang puting silid. May matandang hindi ko kilala.

"Anak ibigay mo ang iyong kamay. "

Takang-taka kong binigay ang kamay ko sa kanya.

"Ilahad ang kasalanan upang malaman kung sa bba kaba o sa itaas. "What?!

"A-anong sinasabi niyo nasaan ho ako? "

"Narito ka sa kabilang buhay anak at ako ay isang anghel. " Ngiti nitong saad.

"May matanda po bang angel? Akala ko di tumatanda ang mga angel? "

"S-sobra ka naman binibini hindi pa naman ako ganun ka tanda hah. " Saad nito at flinex ang muscles niya.
"O siya sige at bumangon kana at kumain para maihatid kana sa iyong bahay"

Litong lito parin ako sa mga nangyayari pero mas nalilito na ang tiyan kong walang laman, oo nga pala kagabi pa ako di nakakakain mukha namang mabait na tao si manong kaya kakain muna ako bago maghanap ng matutuluyan.

"Umupo kana rito anak at makakain kana" nakangiting saad ng manong.

"Salamat ho sir pero pwede kopo bang malaman ang nangyari?"

"Naku anak, marami akong nakalaban na masasamang ispirito dahil sayo." Saad nito at tumingin ng nakakatakot.

Wait what?!

"A-ano ho?"

Tumawa naman siyang ng malakas.

"Naku anak nagbibiro lang ako."

This man is weird.

"Pasensya na, palabiro lang talaga ako. By the way nakita kita sa kalsada nakahalumpasay sa daan. Anlakas lakas pa naman ng ulan kaya dali dali kitang sinugod sa ospital" Paliwanag nito.

"Ano nga ba ang nangyari anak at naroon ka?"

Biglang kumurot ang puso ko nang maalala ang nangyari kahapon. Di ko padin nakalimutan ang masasakit na salita na sinabi niya sa akin.

"Wala ho. A-alis na ho ako, maraming salamat po." Ngiti ko at nagsimulang tumayo.

Dali dali akong umalis upang di nila makita ang nagbabadyang mga luha sa aking nga mata.

"Teka iha! Ihahatid na kita."

"Hindi na ho maraming salamat po."

"I insist, ako ang nagdala sayo rito kaya responsibility kita."

Wala rin lang naman akong mapupuntahan, ngunit di ko rin matatangihan ang isang libreng sakay lalo na't sobrang sakit na ng katawan ko.

"Sige ho,maraming salamat po talaga."

"Walang anuman iha, ano nga palang pangalan mo?"

"Jill- ay Jane nalang ho." Pipiliin palitan ang pangalan ko, kahit bigay sakin ng namayapa kong ama ay iba na ang ala-ala na meorn sa akin.

"Ako nga pala si Patricio Bocacio Francisco , Lolo Pat nalang para younger." Saad nito at kumindat pa.

I smiled. The first man who made me smile after my heartbreak.

"Thank you Lolo Pat."

-----------------------------------------------------------




She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon