Chapter I
I have a boyfriend, i love him so much. So here's our story. We're together since 3rd year highschool. Okay naman ang lahat nung higschool kami, pero medyo nag-iba nung pumasok kami ng college. Same university, magkaibang course-- He's taking Civil Engineer, while me Tourism student. Hindi naman sa pagmamayabang pero i got the looks, nung highschool kami ako palagi ang tinatanghal na reyna ng mga patimpalak. While my boyfriend, lagi syang panalo sa mga quizbee or any contest na may kinalaman sa paggamit ng utak. Bukod sa pagkakaiba namin sa style ng highschool life, masasabing magkaiba din kami ng mundong ginagalawan. Too bad, nadala namin yun hanggang college.
"Is that your boyfriend Missy?" Nakairap na sabi ni Alice pagkakita sa lalaking papalapit.
"Yup! Hi Boyfriend!" Sinalubong nya ng yakap ang lalaki.
"Missy,ah eh.. n-nakakahiya. H-hindi na tayo highschool.." utal na sabi nito at halatang nahihiya.
"Why? I'm just showing my affection, hindi ako mahihiyang ipagsigawan sa campus na mahal na mahal kita! Mahal na mahal kita Clint Allen Francisco!" At isinigaw nya nga ang talagang tinitibok ng puso nya. Nakita nya sa sulok ng mata nya ang pag-ismid ni Alice at ng mga tropang sosyal nito.
"Whatever, I'm leaving! You're out of your mind." At umalis na nga ito.
"Look what have you done, halika na ihahatid na kita." Hinawakan nito ang kamay nya. Kinuha nito ang bag nya, kahit na hirap na ito sa sariling bag nakukuha pa rin nitong buhatin ang bag nya.
"Boyfriend let's have dinner first, I'm hungry eh. Hindi ako nakapag-lunch kanina." paglalambing nya dito.
"Sa bahay ka na lang mag-dinner, ihahatid na lang kita. Na-text ko na din si tita eh." Sabi nitong tumingin pa sa mata nya.
"Eeeeeeh! Boyfriend, kinikilig ako! Don't look at me like that!" Namula ang mukha nya, ang lakas talaga ng epekto nito sa kanya. Weird man sa iba, pero mahal na mahal talaga nya ito.
~~~~~
"Mommy! Nag-text na ba si My labs?" sigaw nya mula sa banyo.
"My date ba kayo? Hindi pa anak eh." Chi-neck naman nito ang cellphone nya.
Tinapos nya ang paliligo. Sabado noon, alas-tres ng hapon. Susunduin dapat sya nito para lumabas sila. Routine na nila iyon every saturday, kahit gaano man sila ka-busy sa school, palagi nilang hinahanapan ng time ang saturday bonding nila.
"Weird? Tulog kaya si boyfriend? Wala man lang text since morning?" binalewala nya yun, inisip na lang nyang busy si Clint sa studies. Mahirap kasi ang course nito, at sobrang dedicated ito sa pag-aaral. Tinulungan nya lang ang Mommy nya sa pag-prepare ng meryenda nila.
"Kamusta ang school mo anak? Hindi naman ba kayo nahihirapan ni Clint?" Usisa ng Mommy nya.
"Huh? Hindi naman 'My, exciting nga eh. Kaya lang parang nahihiya na si Clint pag magkasama kami, normal ba yun?" Inosenteng tanong nya.
"Bakit naman sya nahihiya? Baka naman eskandalosa ka?"
"Eh? Hindi naman Mommy, tinatawag ko lang syang boyfriend sa school eh. Dapat ba syang mahiya don?"
"Eh alam mo namang binata na ang boyfriend mo anak. Oh, baka si Clint na yun. May tumatawag ata sayo."
Napatingin sya sa tumutunog na cellphone, at dali daling tinakbo ang kinaroroonan nito. Upang madismaya lang ng mapag-alamanan kung sino ang tumatawag.
"Alice, hey... 'Zup?"
"Oh my Gosh. You have to see what i just saw." Maarteng sabi ng nasa kabilang linya.
"Why? Ano bang meron dyan?" Taka namang tanong nya.
"Will you just come here!? Dont ask anymore, quick!" End call. Nabasa nya ang text nito, isang address ng restaurant at kung saan ito nakaupo.
"Weird? Mom. Labas lang po ako saglit." Paalam nya sa ina, tumango lang ito bilang busy sa ginagawa.
Nakarating sya sa sinabing restaurant na kinaroroonan nito, malapit lang pala. "Alice, urgent ba talaga? Ano ba yun?" Umupo sya.
"Look." At inginuso nito ang tinutukoy.
"What is he doing here? Wait lalapitan ko lang, kaya pala hindi nag-tetext hmp."
"No, Missy. Wait here." Pigil ni Shiela sa kanya.
Taka man ay sumunod na lang sya. Umupo uli sya sa upuan.Maya-maya pa ay parang nawindang ang mundo nya ng makita ang mga sumunod na pangyayari.
Nilapitan ng isang magandang babae ang boyfriend nya, maganda talaga. Well maganda sya, pero yung babae maganda pa sa kanya. Nakita nya ang pamilyar na ngiti sa mukha ng boyfriend nya, a smile that could struck a female's heart or even male. Yung mahina ang will.
"Well atleast my good point naman pala ang boyfriend mo." Sabi ni Trish na sumipsip sa juice na order nito. Ang tinutukoy nitong good point ay ang ngiti nito.
Parang nauhaw sya, nanuyot lalamunan nya. This is bad. Kinuha nya ang juice na iniinom ni Trisha, ito kasi ang malapit sa kanya.
"Hey, that's mine!"
"Sorry, i need to get out of this place. Thanks Alice for letting me know." Nagmamadali syang tumayo, mahirap na baka makita pa sya ni Clint.
"Why? Hindi mo man lang ba sila lalapitan?" Takang tanong nito.
"Sorry. Sige, bye." Hindi na nya mapipigilan ang luha nya, kaya dali dali nyang tinungo ang pinto.
This is the first time na nakita nyang may lumapit na babae kay Clint. Nung highschool sila, puro lalaking geek ang kasama nito. Laging nakayuko, parating may hawak na libro. Nakasalamin ng makapal na bumagay naman dito, at laging nakaback-pack na punong puno ng libro. Naalala nya pa kung paano silang nagkakilala at naging malapit sa isa't-isa. Na hindi kalaunan ay nauwi sa pag-iibigan.
Itutuloy..
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Baduy
Teen Fiction"Mahal na mahal kita Clint Allen Francisco!" Pero paano kung isang araw nagising na lang ito na ayaw na sa kanya? Matatanggap ba nya? O sadyang iba lang ang taong nakalaan para sa kanya .. -