~10~ A flirt, is always a flirt.

111 2 0
                                    

"YOU!" Halos lumuwa ang mata ni Missy sa sobrang panlalaki.

"Missy, its not what you think." Itinulak ni Kiel ang babae at nagmamadaling lumapit sa kanya. 

"And what do you want me to think? Na napagod lang ang babaeng yan, na ewan ko ba kung bakit kumandong sayo? At teka nga." Binalingan nya ang babaeng tila wala lang ang nangyari.

"Missy, please." Halos hindi na alam ni Kiel ang gagawin.

"Hoy, ikaw babaeng mas makati pa sa higad. Ano bang trip mo at pati sa bakla pumapatol ka?" Nagulat ang babae sa tinuran nya.

"Excuse me? That jerk is gay?" Hindi ito nagulat sa tinawag nya rito, bagkusa sa kaalamang tinawag nyang bakla si Kiel.

"Excuse me?" Ginaya nya ang expression nito. "Oo, gay sya. So ngayon? Pahiya ka?"

"Whatever! As long as he passed my standard." Umirap ito. "And Missy, i heard so much about you from your Ex. Such a crybaby." Malanding tumawa ito.

"Edi higad ka nga, reyna ka ng mga higad! Makakarating kay Clint itong kakatihan mo." Pinandilatan nya ang babae.

"Uh-oh. Clint knows what im doing, I'm just enjoying my freedom. And besides, ayaw nya ng clingy." Kumindat pa ito sa kanya. "Bye, Kiel. See you around." Hinalikan nito si Kiel.

"Wew." Sabay-sabay ang mga kaklase nyang lalaki.

Natutulala syang sinundan ng tingin ang babaeng palayo. Pagbaling nya kay Kiel, nakatulala din ito at inihahatid ng tingin ang babaeng humalik dito.

Sa sobrang galit nya, ibinato nya dito ang cake na binili at nagtatatakbong palayo. Dire-diretso syang lumabas ng classroom nila, hindi nya alam kung saan sya tutungo. Natagpuan nya ang sariling umiiyak sa ilalim ng manga di kalayuan sa gym ng campus nila.

Hindi nya maintindihan kung bakit sya umiiyak, wala syang feelings kay Kiel. Siguro sa sobrang galit nya kaya ang dali nyang maapektuhan ng mga bagay sa paligid nya.

"Sorry."

Naulinigan nya ang boses ni Kiel ngunit mas piniling hindi ito pansinin.

"Hey, Sorry. Nagulat talaga ako. And i don't know her."

"Im not crying dahil may gusto ako sayo or whatever. I know that girl, sya yung girl na ipinagpalit sakin ni Clint."

"What's with her?Akala ba nya lahat ng guy ma-aattract sa kanya? Im not like Clint you know."

Tiningnan nya ito ng masama.

"Sorry."

"Lets go back, i need to think this over. Besides exam na natin. And i'll deal later with that biatch."

Nag-uumpisa na ang exam nila ng makabalik sila, hindi sya makapag concentrate dito dahil sa eksenang nangyari kanina. Nakita nyang sinesenyasan sya ni Kiel na kopyahin ang sagot nito. Kinakabahan sya sa gagawin nya, kadalasan kasi ay nag-aaral sya. Kasama ni Clint, at ngayon pa lang nya ito gagawin.

"Ms. Alfonzo, warning."

Napanganga sya. Pero hindi talaga sya makapag-focus. Nilingon nya ulit si Kiel, tiningnan nya ang mukha nitong titig na titig sa papel. Ng tingnan nya pabalik ang test paper, may papel na nakapatong sa desk nya.

"Pass your paper and wait for me in the faculty room. NOW."

Nag-angat sya ng tingin at nakita ang mukha ng propesor na titig na titig din sa kanya. Nagulat ang mga kaklase nya ng ipasa nya ang papel, at walang lingong likod na lumabas ng classroom. Patungo na syang faculty ng makasalubong nya si Clint.

"Hey, wala ka bang klase? Exam mo ngayon diba?"

Tiningnan nya ito. "Pupunta akong faculty room."

"And?"

"I cheat. And I'm busted."

Nagulat ito, inusal nito ang pangalan nya.

"What's wrong with you?! As if namang may pakealam ka pa saken!" itinulak nya ito upang makadaan.

Hindi nya maintindihan ang asal nito ngayon. Nilingon nya ito at tahimik itong nakatingin sa kanya. Nagmamadali nyang tinungo ang faculty room.

"Good afternoon ma'am. Maghintay daw po ako dito sabi ni Ma'am Galvez." Tango lang ang nakuha nyang mula sagot dito. 

Di nagtagal ay dumating na din ang prof nya at sinenyasan syang maupo sa visitor's sit ng table nito.

"Ms. Alfonzo, i didn't called you here because you cheat or you try to. I called you here 'cause im bother."

"Okay lang po ako Ma'am. May mga pinagdadaanan lang pong problema."

"I speak with Clint Allen? And he plead for not taking you to the students affair office. Is he a friend of yours."

Ginulat na naman sya ng action ni Clint. "Err, yes ma'am old friend po."

"Okay, well inassure ko naman na its not about cheating although i caught one of your classmates lend his paper to you."

"Okay lang po talaga ako Ma'am."

"You sure? Okay sige, you may go now." Sabi nito.

Lumabas sya sa faculty at hindi agad nagustuhan ang nakita.

"So, totoo ang news? Cheater ka pala? Tsk. Nakakaawa ka naman, mangongopya ka na nga lang, nahuli ka pa. So see you na ba after a week?" Tumawa pa ang bruhang kanina ay kalampungan ni Kiel.

"Don't asking for your opinion Ms. Campus Gf." nag loser sign pa sya at inirapan ito.

"Call me whatever you want, mas maganda ako sayo!" Sigaw nito.

"Okay lang, sige mas maganda ka. Hindi naman ako Biatch!" Sa gigil nya ay hindi na nya napagilan ang sarili. Nilingon nya ito, at gigil na gigil itong nakasunod ng tingin sa kanya. Inirapan nya ito ng pagkataray taray.

Sa di kalayuan ay nakamasid si Clint sa kanya.

"What's eating him?"

Ang Boyfriend kong BaduyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon