"MISSY anak, andito ang mga classmate mo. Paaakyatin ko na sila rito ha? Para hindi ka na bumangon dyan." Nakangiting sabi ng mommy nya.
"Thanks Mom, you're the best."
Ilang araw na rin syang namamahinga, and 2 days absent nya ay naging isang linggo. Weekend noon at alam nyang kagagaling lamang ng mga kaklase nya sa saturday class nila.
"Missy, nakakamiss ka. Pagaling ka na." Bungad sa kanya ni Stella. Niyakap sya nito, may nasa sampu din ang mga bisita nya. Wala noon si Kiel na ipinagtaka nya.
"Hinahanap mo si Kiel? Hay naku, nag-iinarte. Ayaw sumabay samin, hindi mo daw kasi sya Friend." Sabi ni Sarah.
"Huh? Anong hindi friend?"
"More than friends daw kasi kayo." nagtawanan ang mga kaklase nya. Napailing na lang sya sa kalokohan ni Kiel. Hindi pa sya ready to be in a relationship ulit, at hindi nya alam kung kailan sya magiging ready.
Gabi na rin ng magpaalam ang mga kaklase nya. Hindi na rin nagpunta si Kiel sa kanila ng araw ding iyon. Iniisip nya pa rin ang nangyari sa kanila ni Clint. Where did she go wrong? Why is it too sudden? Kumirot na naman ang puso nya.
Nasa himpapawid ang utak nya ng biglang tumunog ang cellphone nya.
"You still up?" - unknown number.
Nagtaka sya, pero dahil hindi sya mahilig sa textmate hindi na lamang nya pinansin ang text na iyon. Nakatulugan na rin nya ang kanina'y umuokupa ng isip nya.
Sunday kinabukasan, nagsimba sila nang Mommy nya. On their way sa restaurant para mananghalian, she saw familiar figures. It was Clint and his girl, masayang masaya ang mga ito. Nag-aalala syang napatingin sa Mommy nya.
"Is it Clint? Clint iho!" Masayang tawag nito sa binata.
Huli na ang lahat, nakalapit na ang Mommy nya sa dalawa. Sinundan na lamang nya ito.
"Andito ka pala, sayang naman at hindi ka nakasama samin sa pagsimba. Kamusta ka na? Bihira ka ng madalaw sa bahay, nagpapa-miss ka ba iho?" Dire-diretsong sabi ng Mommy nya, walang duda, talagang gusto nito si Clint para sa kanya.
"Pasensya na po Tita, busy lang po." casual pa rin ang pakikitungo ni Clint sa Mommy nya, parang walang nangyari sa kanila.
"Ah ganun ba? Aba'y sino pala ireng babaeng kasama mo? Ang ganda naman. Kaklase ka ba ni Clint iha?" Baling nito sa babae.
"No. Girl-" Pinutol ni Clint ang salita nito.
"Opo, kaklase ko po. Gumagawa kami ng assignment namin tita."
Napatingin sya sa babae, kulang na lang siguro bumulagta sya doon at mamamatay sa sobrang sama ng titig na para bang sinasabing "Pwede bang iuwi mo na yang Nanay mo!" Nginitian nya ito. Bago binalingan ang ina nya.
"Lika na Mommy, alam mo namang ayaw nagpapa-istorbo ni Clint kapag busy." Inaya na nya ang ina.
"Oh pano iho? Dumaan ka minsan sa bahay ah? Para naaalagaan naman itong baby ko, nagiging sakitin na naman."
Tumingin sa kanya si Clint, pero iniwas nya ang tingin nya. May nabasa syang kung ano sa mga mata nito, pero hindi na nya iyon pinagtuunan ng pansin.
"Sige po Tita." Nakita nyang nairita ang babae, halata sa mga mata nito at reaksyon ang disgusto sa narinig.
Umalis sila ng Mommy nya sa restaurant at lumipat ng ibang kainan. Pero para itong nakakita ng crush at hindi maka-move on kay Clint.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Baduy
Teen Fiction"Mahal na mahal kita Clint Allen Francisco!" Pero paano kung isang araw nagising na lang ito na ayaw na sa kanya? Matatanggap ba nya? O sadyang iba lang ang taong nakalaan para sa kanya .. -