"HI Boyfriend! Goodmorning, ang aga mo yata? 10 pa ang klase mo ah?" Nakangiti sya dito. Habang lumilipas ang araw, pagwapo ito ng pagwapo. At palaki ng palaki ang gap sa relasyon nila.
"Missy, how many times? Ilang beses ko ba dapat ulitin sayo huh?" iniitsa nito ang hawak na nilamukos na papel.
"Ay, busy ka pala. Sorry sa istorbo. Bye boyfriend. See you around." Kinindatan nya ito. At gaya ng nakaraan, naiiling na naman ito.
"He's irritated. Can't you see?" Si Kiel.
"Shut up, mind your own business." Ini-snoban nya ito.
"Ang sungit mo naman. May assignment ka na ba sa Tourism Principles?" Tanong nito.
"Oh god. Ngayon ba yun?" Nataranta naman sya bigla.
"Yup. So meron ka?"
"Kung meron man ako, hindi kita pakokopyahin." Masungit na sabi nya at binilisan nya ang lakad para makagawa ng assignment.
"Tsk. Talagang hindi mo ko papakopyahin, dahil ako ang magpapakopya sayo." Hinabol sya nito. At inakbayan pa.
"Yaaaaak. Maka-akbay ka kala mo close tayo? Feelingero kang palaka ka."
Naaaliw yata ito sa kanya, wala itong ginawa kundi humalakhak pag kasama sya. Matalino din ito, gwapo din. Halos lahat naman ng mga kaklase nya ay gwapo at magaganda. Iba nga lang ata ang karisma nya. Ngayon mas na-aappreciate na nya ang ibang bagay bukod sa boyfriend nya. Salamat sa tulong ng Kiel na ito, pero hindi pa yun sapat para magising sya. Dahil hibang pa rin ang puso nya kay Clint.
Oras noon ng lunch. Inaabangan nya si Clint sa labas ng department nito, aayain nyang sabayan syang kumain.
"Hi Boyfriend. Lets have lunch." Todo smile ang ginawa nya.
"Ugh, sorry naka-oo na ko sa kanila." at tiningnan ang baklang si Aja na umirap sa kanya.
"Ah ganun ba? Sabay na lang tayong umuwi?" Hindi pa rin sya sumuko.
"I don't think so, sige una na ko. Ingat ka." At hinabol nito ang mga kaibigan.
"Ano ba yan, hindi mo pa rin ba sinasabi?" Narinig nyang sabi ni Aja.
"Hamo, sasabihin ko na." Sabi naman ng boyfriend nya.
Alam nya na kung ano man ang tinutukoy ng mga ito. Ang makipag-break sa kanya. Pero ayaw nyang tanggapin yung idea na mawawala ito sa kanya. At hindi nya bibigyan ng pagkakataon na masabi nito sa kanya kung anu man ang plano nito.
Mag-isa nyang kinain ang lunch nya. Isang linggo na rin syang mag-isang kumakain, medyo nasasanay na sya pero naiiyak pa din sya. Hahayaan na lang siguro nyang mata na nya ang kusang tumigil, at puso na nya ang kusang mapagod.
"Sabi nila, hindi daw dapat iniiyakan ang pagkain. Blessing daw kasi yun, dapat ipinagpapasalamat."
"Sino namang nagsabi nyan?" Nilingon nya ang nagsalita.
"Ako. Kakasabi ko lang eh, ulyanin ka yata. Pasabay namang kumain, nag-take-out ako eh, wala na kasi akong maupuan sa fastfood. Okay lang?" Nakaupo na ito at nagsisimula ng kumain.
![](https://img.wattpad.com/cover/1726500-288-k825319.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Baduy
Teen Fiction"Mahal na mahal kita Clint Allen Francisco!" Pero paano kung isang araw nagising na lang ito na ayaw na sa kanya? Matatanggap ba nya? O sadyang iba lang ang taong nakalaan para sa kanya .. -